Category: edsa

#yellowpink

i am yellow and i am pink.  yellow for ninoy, cory, and EDSA.  pink for leni, a no to the sad yellow politics of the liberal party.

pink and yellow go together, literally n figuratively.  they are natural colors that we see everywhere, though never before so blooming everywhere.

meanwhile it’s good to remember, and to talk about, EDSA.  what did we do right, what did we do wrong.  how could we have done it better.

#yellowpink #b4i4get

Si Marcos daw ang “true hero” of EDSA ?!?

SABI-SABI NG MGA MARCOS #2

Si Marcos daw ang tunay na bayani ng EDSA.

Kung hindi daw kay Marcos, tiyak na dumanak ang dugo at maraming sibilyan ang nasaktan nuong apat na araw ng EDSA.

Malinaw daw ang utos ni Marcos kay Ver on nationwide TV: “My order is to disperse the crowd without shooting them.”

MALINAW PERO HINDI TOTOO

Behind the scenes, nung sinasabi niya kay Ver na my-order-is-not-to-shoot, sunud-sunod ang order ni Army Gen. Josephus Ramas kay Marine Col. Braulio Balbas sa Camp Aguinalo na bombahin na ng artillery ang Camp Crame.  May order din sa jet bombers ng Air Force na pasabugin ang kampo.  All orders were cleared by Marcos.

Mabuti na lang, kitang kita ng Marines at ng jet bombers ang sandamakmak na tao sa EDSA at sa Crame grounds.  Minabuti nilang huwag kumilos kaysa makapatay ng unarmed civilians.  Bahala na kung ma-court martial o makulong sila for not following orders.

IT WAS THESE SOLDIERS WHO SAVED EDSA FROM CARNAGE WHILE THE WORLD WATCHED. 

Unlike Air Force Col Antonio Sotelo na nag-defect bitbit ang 15th Strike Wing sa Crame, ang Marines ay bumalik sa barracks at tumulong na lang sa defense ng palasyo, samantalang ang jet bombers ay sa Clark Air Base nagpalipas ng rebolusyon.

Lahat sila, ke nag-defect a la Sotelo, ke nag-back to barracks a la Tadiar at Balbas, ke nagtago sa Clark Air Base a la jet bombers – lahat sila BAYANI na dapat ay naipagbunyi at taos-puso nating napasalamatan nung napaalis na si Marcos.

Sila ang unsung heroes of EDSA.   Mas bayani sila kaysa mga rebeldeng sundalong nag-defect only to hide behind the skirts of nuns and other civilians.

MARCOS FAIL

There was no way Marcos could have come out of EDSA smelling like a hero.  Bukung-buko na ng  taongbayan ang kanyang big-time panlilinlang at pangungulimbat habang pahirap nang pahirap ang buhay ng nakararaming Pinoy.

Tapos eto na naman, huling-huli na nandadaya, ayaw pa ring umamin, at ayaw magbitiw.  Kinailangan pa siyang takutin ng People Power bago mag-alsa balutan. Heroic ba yon?

There was never anything heroic about Marcos.  Brilliant and self-serving, yes, but heroic?  Wala siyang binatbat kay Ninoy.  Wala siyang  panama kina Tadiar, Sotelo, at Balbas.

WHAT IF

What MIGHT have been heroic, I dare think, ay kung (1) umamin si Marcos na nandaya siya, (2) nagbitiw siya nang kusa sa pagka-pangulo, at (3) iniuwi niya sa Ilocos ang kanyang buong pamilya, never again (any of them, born and unborn) to return to politics.

Imagine. What if.

Imbis na nagpondo ng mga kudeta, imbis na siniraan si Cory at ang EDSA, imbis na nag-ambisyong makabalik sa palasyo, WHAT IF nag-retire na lang silang lahat from politics at nagkawanggawa na lang, bilang pasasalamat na buhay pa sila, or something classy and remorseful like that ?!?

Tiyak, mas maayos ang Pilipinas ngayon.

Tiyak, hindi ako tumutol nung ilibing siyang bayani.

EDSA ’86 — Aquino vs. Marcos lang daw ?!?

SABI-SABI NG MGA MARCOS #1

Ang EDSA daw ay hindi pag-aalsa laban kay Marcos nung 1986.  Ang EDSA daw ay laban lang ng dalawang political families: Aquino vs Marcos.

HINDI TOTOO.

Ang EDSA ay pag-aalsa ng taongbayan kontra-Marcos nang dinaya ni Marcos ang snap election.

Dati nang gawi ni Marcos ang pandaraya sa  mga referendum at eleksyon in the 14 years of Martial Law – lutong Makoy, ika nga.

Yung 1986 snap election ang naging last straw.  Agad kasing napatunayan ng taongbayan na may nagaganap na dayaan nung mag-walk-out ang computer technicians ng COMELEC — iba daw ang vote-count nila sa vote-count na ibinibigay sa mga media na hawak ni Marcos.

Balita pa ng NAMFREL, sa mga balwarte ng Oposisyon may tatlong milyong rehistradong botante ang hindi nakaboto – nag-disappear na lang ang names nila sa voters’ lists.  Icing on the cake na lang ang confession ni Enrile nung Feb 22 na dinaya nila si Cory sa Cagayan.

Taongbayan na dinaya ang kalaban ni Marcos noong EDSA.

Taongbayan na sawang-sawa na sa panunupil at korapsyon ang nanindigan laban kay Marcos noong EDSA.

KUNG AWAY-PAMILYA LANG ang kina Marcos at Ninoy … gusto lang ni Marcos na mapatahimik si Ninoy … bakit buong bansa ang isinailalim sa Martial Law?

Kung si Ninoy lang ang problema, bakit umabot si Marcos sa Proclamation 1081 at Batas Militar?

ANG TOTOO:  Ang goal talaga ni Marcos ay mamuno sa Pilipinas habangbuhay.  Bagong Lipunan = Marcos Dynasty.  Marcos Forever.  Pagkatapos niya, si Imelda.  At pag-ready na, si Imee.  Na puwede lang mangyari kung walang Ninoy at kung tuloy-tuloy ang Batas Militar.

Pero dahil may isang astig na Ninoy Aquino na nanindigan laban sa diktador, na siya niyang ikinamatay, lalong namulat ang taongbayan sa tapang at kabayanihan ni Ninoy at sa kalupitan, panunupil, at panlilinlang ng rehimeng Marcos.

ANG TAONGBAYAN AT SI CORY

Taongbayan na mulat sa demokrasya at kalayaan ang nag-udyok kay Cory na tumakbong pangulo noong 1986.

At nang dayain ni Marcos ang snap election, taongbayan ang nagbigay-buhay sa crony boycott ni Cory.  Ika-pitong araw na ng boykot nang mag-defect sina Enrile at Ramos.  [Humahabol much?]

Sa kainitang iyon ng boykot, parang hulog ng langit ang datíng ng military defection.  Wow.  May armed forces na si Cory?!?  Agad sumaklolo sa EDSA ang taongbayan.

Ayun pala, hindi type ni Cory ang dalawang bandido, and vice versa,

Si Ramos ang nagpa-aresto kay Ninoy close to midnight of September 22 1972. Si Enrile ang “jailer” ni Ninoy 1972-1980.

Kung si Cory ang nasunod noong nag-defect sina Enrile, sa Luneta niya yinaya ang supporters niya, hindi sa EDSA.  Mas gusto niya sanang manood lang from the sidelines habang nagbabanatan at nagpapatayan ang puwersang repormista at puwersang loyalista. [Imagine. What if.]

Pero napangunahan ng taongbayan si Cory.  Sumusugod na sila sa EDSA nang nabalitaan ni Cory ang defection.  Humaharang na sila sa tangke nang bumalik si Cory from Cebu.

PEOPLE POWER

Sa huli, nang kumaripas ng takbo ang mga Marcos, hindi ito dala ng takot sa lumalakas na armadong puwersa ng kaaway – nagmamadali silang umexit dala ng matinding takot sa (unarmed) People Power na nagbabadya sa gates ng Malacañang.

People Power din, na nagbabadya sa gates ng Clark Air Base, ang ikinatakot ni Gen. Teddy Allen kaya siya humingi ng permiso sa Washington DC na ilipad paalis ng Pinas, sa lalong madaling panahon, ang  barkadang Marcos-Danding-Ver.

Ibang klase ang powers ng taongbayan kapag mulat, maraming marami, at nagkakaisa.  Walang armas, pero matapang at umaasinta.  Who knows what People Power can do?  Or make happen?

Iyan ang fear ni Marcos nung Pebrero 25 1986.  Hindi na siya in-control.  Mabigat  ang kalaban.  Anything could happen.  Kaya sila tumakbo.

BLACK PROP

Siyempre baliktad ang version of the story ng Marcos heirs.  Wala-lang daw ang EDSA, pulitika lang, away ng dalawang pamilya, kinidnap nga sila, kawawa naman sila.

Ang kakapal.

Ang kampanya ni Marcos Jr. is built on huge lies that paint the Marcoses all good and the Aquinos and EDSA all evil. 

Anything to justify a return to the Palace. 

Grabe ang riches at stake, ill-gotten and all. 

Worth na worth lying for, in the Marcos playbook.

*

read the marcos curse https://stuartsantiago.com/the-marcos-curse- 

i love cory for EDSA

grabe ang mga patutsada kay cory sa twitter on the eve of her 89th birthday.  kesyo she was “just a housewife” and politically naive, thus the failure of her administration on many fronts.

but if cory had not run for president sa snap elections in 1986, kung hindi niya itinuloy ang laban ni ninoy na ibalik ang demokrasya, i daresay we would still be stuck, if not with the marcoses and vers, then with enrile and ramos and honasan, or all of the above, still under military rule and censorship at iba pang violations of human rights, democracy still out of reach.

cory was wondrously astounding.  backed by the people’s massive support, she handled those macho bandidos quite bravely defiantly brilliantly and freaked the marcoses out of the palace in just 10 days of non-violent civil disobedience.

that her six years in office left much to be desired was not her fault but ours.

because our agenda was limited to marcos’s ouster and the restoration of freedom and democracy, akala natin ay tapos na ang laban — we had done our part, with flying colors yet, and we thought we were home free.

tayo ang naive.  after 14 years of censored media, we just did not know enough about the true state of the nation (maybe we still don’t) and we simple-mindedly trusted that cory’s new government would set all wrong things right.

ayun pala, dapat ay hindi tayo agad bumitaw, if at all.

sabi nga ni eric gamalinda, on cory aquino, the day she died:

We wanted Cory Aquino to be strong so we could remain passive. We wanted her to save us so we could refuse to save ourselves. She was there so we could continue the infantile neurosis that has always sustained the Philippines’ need for a “guiding” power – God or a dictator, choose your daddy – and has always justified its corruption and poverty. She was, as so many predicted during the heyday of the people power revolution, our Joan of Arc. We knew we would burn her for allowing us to corrupt the vision we wanted her to sustain. We forgot so soon that she had achieved what no man in our supremely machismo-obsessed country had done – to get rid of the Marcoses. For that alone, we should be grateful. If the Philippines never rose from the “long nightmare” after she took over the presidency, we have no one to blame but ourselves.  [emphasis mine]