SABI-SABI NG MGA MARCOS #2
Si Marcos daw ang tunay na bayani ng EDSA.
Kung hindi daw kay Marcos, tiyak na dumanak ang dugo at maraming sibilyan ang nasaktan nuong apat na araw ng EDSA.
Malinaw daw ang utos ni Marcos kay Ver on nationwide TV: “My order is to disperse the crowd without shooting them.”
MALINAW PERO HINDI TOTOO
Behind the scenes, nung sinasabi niya kay Ver na my-order-is-not-to-shoot, sunud-sunod ang order ni Army Gen. Josephus Ramas kay Marine Col. Braulio Balbas sa Camp Aguinalo na bombahin na ng artillery ang Camp Crame. May order din sa jet bombers ng Air Force na pasabugin ang kampo. All orders were cleared by Marcos.
Mabuti na lang, kitang kita ng Marines at ng jet bombers ang sandamakmak na tao sa EDSA at sa Crame grounds. Minabuti nilang huwag kumilos kaysa makapatay ng unarmed civilians. Bahala na kung ma-court martial o makulong sila for not following orders.
IT WAS THESE SOLDIERS WHO SAVED EDSA FROM CARNAGE WHILE THE WORLD WATCHED.
Unlike Air Force Col Antonio Sotelo na nag-defect bitbit ang 15th Strike Wing sa Crame, ang Marines ay bumalik sa barracks at tumulong na lang sa defense ng palasyo, samantalang ang jet bombers ay sa Clark Air Base nagpalipas ng rebolusyon.
Lahat sila, ke nag-defect a la Sotelo, ke nag-back to barracks a la Tadiar at Balbas, ke nagtago sa Clark Air Base a la jet bombers – lahat sila BAYANI na dapat ay naipagbunyi at taos-puso nating napasalamatan nung napaalis na si Marcos.
Sila ang unsung heroes of EDSA. Mas bayani sila kaysa mga rebeldeng sundalong nag-defect only to hide behind the skirts of nuns and other civilians.
MARCOS FAIL
There was no way Marcos could have come out of EDSA smelling like a hero. Bukung-buko na ng taongbayan ang kanyang big-time panlilinlang at pangungulimbat habang pahirap nang pahirap ang buhay ng nakararaming Pinoy.
Tapos eto na naman, huling-huli na nandadaya, ayaw pa ring umamin, at ayaw magbitiw. Kinailangan pa siyang takutin ng People Power bago mag-alsa balutan. Heroic ba yon?
There was never anything heroic about Marcos. Brilliant and self-serving, yes, but heroic? Wala siyang binatbat kay Ninoy. Wala siyang panama kina Tadiar, Sotelo, at Balbas.
WHAT IF
What MIGHT have been heroic, I dare think, ay kung (1) umamin si Marcos na nandaya siya, (2) nagbitiw siya nang kusa sa pagka-pangulo, at (3) iniuwi niya sa Ilocos ang kanyang buong pamilya, never again (any of them, born and unborn) to return to politics.
Imagine. What if.
Imbis na nagpondo ng mga kudeta, imbis na siniraan si Cory at ang EDSA, imbis na nag-ambisyong makabalik sa palasyo, WHAT IF nag-retire na lang silang lahat from politics at nagkawanggawa na lang, bilang pasasalamat na buhay pa sila, or something classy and remorseful like that ?!?
Tiyak, mas maayos ang Pilipinas ngayon.
Tiyak, hindi ako tumutol nung ilibing siyang bayani.
POST EDSA: What happened to Gen. Tadiar https://stuartsantiago.com/post-edsa-what-happened-to-gen-tadiar/