salamat, “sassy”

dahil sa iyo, sold out daw ang Mga Ibong Mandaragit ni Ka Amado! ang saya naman!

at dahil sa iyo, merong nang ibongmandaragit.com dedicated to reading and blogging on the book, chapterby chapter. ang saya talaga!

Comments

  1. ubos na?? NOOOOO! gusto ko pa man din ng kopya.

    kung may maganda ngang naidulot yung artikulo, madami ngayon ang nagka-interes basahin ang gawa ni Ka Amado. At hopefully, maingganyo na din sila magbasa ng iba pang gawa ng mga magagaling na manunulat ng literaturang Filipino, para hindi na dumami pa ang may opinyon na “obsolete” ang mga sulating gaya ng Ibong Mandaragit katulad ni connie.

    instead of ranting about it, she should have taken that experience as a reason para magsaliksik sa mga salitang Filipino na hindi niya alam. Siguro dapat kumuha sya ng Panitikang Pilipinong subject (sa UP) para maisip nyang kailangan nyang ilagay sa tamang perspective ang mga sinusulat niya.

  2. hahaha MERON PA, lani ;) inuwian ako ni katrina from national sa robinson’s ermita – i want to read it slowly this time – i suppose meron pa in branches other than shang, trinoma, and katips.

    our old copy we gave away to my brother in tiaong quezon na may maliit na filipiniana library for barrio kids. madalas daw ma-request ang mandaragit.

    oo nga, walang tama ang/sa perspective niya.

  3. Funny Sassy – she went on the attack and it rebounded — bang on her face!

    I too am now interested in reading the book – will ask my sis to send me a copy if she can find one.

  4. Salamat sa iyo, Angela. Dahil sa pagpatol ng mga tao, at isa ka sa mga nanguna, nagkaroon ng ganitong malawak at positibong reaksiyon.

    Si Jose Garcia Villa naman daw ang binanatan ni Sassy. Ibang oryentasyon (formalist, sa halip na social-realist tulad ni Hernandez) naman sa panitikan ang ibinasura niya.

  5. hey, anna! bang on her face, indeed! check out restyo.blogspot.com’s post “questioning the canon” ;)

    teo, salamat;) actually sabay niyang tinira, at nilait, sina ka amado at jose garcia villa sa unang kolum niya. wala lang, di lang niya type ang panitikang pinoy ;(

  6. Bago lang ako sa mga kaganapan, at nilalagnat pa ako noong umaatikabong pa ito. XD Pero grabe. Natawa lang ako dahil isipin mo nga naman, ‘yung “manunulat ng masa” naging “elitista”! I can just imagine good old Ka Amado rolling on his grave if he were able to read through the articles. XDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD

    Personally, magaganda ang mga sulatin ni Ka Amado. I will admit having a hard time with his writing, partly because I didn’t grow up fully literate in Filipino, and partly because I don’t exactly share his Communist ideologies – not because I don’t like Communism per se, but because I’ve seen that the principle and the practise are two entirely different things. Pinababasa ko sa aking ina (a finance director in one of the leading research companies of the world) ang mga akda ni Ka Amado dahil ang salitang Tagalog/Pilipinong ginamit nito ang siyang kinalakhan niya, kung kaya’t natulungan akong intindihin ang “Isang Dipang Langit” at saka “Mga Ibong Mandaragit.” Sa kasamaang palad nga lang, may mga kamag-anak si Inay na pinatay ng ibang mga Komunistang dahil hindi sila sumang-ayon o sumapi sa ideyolohiyang ito, kaya nama’y nahihirapan akong kumuha ng akda ni Ka Amado. 6^_^0

    Alrighty, that’s enough from me for now. But before I go, let me just say that while others may think Jose Garcia Villa and e.e.cummings are very artistic poets, I’m not too keen about them, and for a long time Nick Joaquin was my literary idol. XD

    Also, if you have any idea where else to find “Mga Ibong Mandaragit” here in Manila, please do drop a line. v^_~v

  7. ligaya, huli man daw at magaling, okey lang ;) baliktad na ang mundo, no? elitista na si ka amado!. . . malungkot nga ang karansasan ng pamilya mo with communism. pero masaya na nagagandahan ka pa rin sa kanyang mga sulatin . . . i would think any national bookstore outlet (other than shangrila edsa, trinoma, and katipunan) is worth checking out for a copy, sa textbook section.

  8. This is a classic case of one spitting against the wind……… naturally it goes smack in ones’ face, lol.

    So now we know, to increase the sales of Filipiniana books all one has to do is to get sassy read it, enough for her to rant about it and voila… success.

  9. May sariling kopya na ako ng Mga Ibong Mandaragit. Binili ko noong itampok namin si Ka Amado sa Tinig.com. Eh, antagal na noon. Ewan ko nga ba’t hindi ko pa nasisimulang basahin hanggang ngayon. Masyado kasi akong naaliw nitong mga nakalipas na panahon sa mga istorya ng mga dot-coms, pati na sa mga haka-haka tungkol kay Maria Magdalena.

    Siguro dapat, simulan ko na, lalo’t mainit na ang usapan tungkol sa aklat na ito ngayon. :)

  10. sassafras

    naiwan ko ang kopya ko sa pilipinas, pero dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa brouhaha na ito, parang gusto ko ulit basahin ang aklat na yun. at oo, tinapos ko iyon noong high school ako. mabigat siyang basahin dahil totoo pa rin ang mga nakasulat, pero hindi naman siya ganun kahirap intindihin. filipino dictionary lang ang katapat. siguro wala lang tiyaga si sassylawyer. sayang, bumaba ang pagtingin ko sa kanya dahil sa sinulat niyang iyon. medyo hambog ang dating.

Comment