political soap operas, back to back

sa blogworld talbog siyempre ang malu-fernandez bruhaha sa erap-guilty verdict and its aftermath, a work in progress being covered closely by all media.

tapos heto pa ang zte-fg scandal, mabuhay si jarius at si joey, what a story. ito na kaya ang waterloo ni abalos, na hindi ko maintindihan kung bakit ubod ng lakas sa powers-that-be for such a long time na, mula pa nuong 1986 nang i-appoint siyang o.i.c. ng mandaluyong ni then minister of local governments now senator nene pimentel (mwahaha), later he became governor of the mmda, tapos chairman ng comelec — important high-profile posts, bakit siya love na love ng ating mga presidente? could he be some kindof edgar j. hoover figure, with secret files/tapes/cds/dvds on the ruling class? o meron siyang gayuma? puwede ring magaling lang talaga siyang mambola, the quintessential fixer?

interestingly enough, hindi natatalbugan ng zte-fg scandal ang erap-guilty drama. nakakalamang lang ng konti these days ang zte-fg dahil sa senatehearings. otherwise pareho silang winner, political soap operas back-to-back, one as controversial and shady as the other.

Comment