Sugal gawing legal

Diyaryo Filipino Oct1989

Aliwan page din lang ito, pag-usapan natin ang iba pang aliwan ng Pinoy bukod sa pultika’t showbiz. Itong sugal, halimbawa, na pilit na ipinagbabawal ng batas. Sabi raw ni Senador Jovito Salonga, matapos i-aprub ng senado ang isang bill na naglalayong bumuwag sa lahat ng casino by 1992 (Globe Oct 14), “. . . Our nation can never achieve greatness unless we encourage our citizens to embrace the ethics of hard work, honest toil, self discipline and sacrifice – not the temptation of instant wealth . . .”

Hmmm. Ewan ko rin. Ako kasi ay nagsusugal paminsanminsan. Tatay ko ang nagturo sa aming magkakapatid ng larong mahjong, 13 yata ako noon. Sa asawa ko’t mga bayaw naman ako natutuong maglaro ng blackjack, pusoy, pekwa, poker, betobeto, high-and-low, at roulette, at sa Tiaong (Quezon) ako natutong tumaya sa jueteng. Dati madalas at malakas kaming magsugal magkakaanak (miron na lang si erpat), kung hindi mahjong, blackjack, naeeskandalo na nga si ermat dahil hindi naman kami pareparehong madadatung, no? Tapos ang dami na ring mga kai-kaibigang dumadayo, nabalitaang masaya’t malakas ang labanan, e di siyempre naiba na rin hung timpla, hindi na friendly, talutalo na. Di nagtagal, natauhan kaming mga misis at itinigil muna namin ang get-togethers. Ngayon, madalang at mahina na kaming magsugal, maliban kung nasa Baguio kami, hindi maiwasan yung casino, kahit sandali, trip lang, manalo o matalo.

Sa palagay ko, itong hilig at abilidad ng tao sa sugal ay depende sa karma ng bawat isa – merong mahilig, merong hindi. Tulad din ito ng hilig at abilidad sa sex, o sa musika, o sa sports, hindi basta-basta mapipigil, may sarili kasing puwersa, at nasa bawat isa kung hanggang saan pagbibigyan angudyok. At nasa sa karma rin yung malas o suwerte sa sugal. Meron talagang ipinanganganak na suwerte, mayroon namang malas, pagdating sa risk-taking, at mayroon ding pabawi lang parati. Siyempre, ang dumadayo madalas sa pasugalan ay yung suwerte’t pabawi, pero meron ding mas malas kaysa suwerte, at sila ang pinoproblema ng iglesiya’t simbahan, at ng mga moralista kuno.

Problema raw itong mga sugarol na nasisira ang ulo at buhay at pamilya dahil sa sugal, nawawalan kasi ng kontrol, pati pang pagkain ng pamilya’t pangmatrikula ng anak ay napapakialaman, umaasa kasing makakabawi,makakajackpot, makapag-uuwi ng lmpak-limpak na salapi, na bihirang mangyari, kaya merong nagpapakamatay, meron ding nagbebenta ng droga’t babae, makaipon lang nga pampuhunan. Sey ko naman, iilan ang nagkakaganyan, at karaniwan ay kabilang sila sa malalakas tumaya.

Higit na maraming Pinoy na sugarol ang marunong namang magdala, marunong umayaw, marunong matalo, okey lang, dahil hindi lang naman yung “instant wealth” ang habol nila kundi yun ding sarap at excitement ng mismong paglalaro. Libangan, ika nga, pagkatapos ng trabaho. Ewan ko kung bakit sila ang iniiiwas ng pamahalaan sa mumurahing dibersyon at pinagdadamutan ng kahit karampot na pag-asa.

Pustahan tayo, hindi uubra yang mga batas na yan. If anything, titindi lang lalo ang problemasa illegal gambling. Kung bakit kasi hindi pa gawing legal ang sugal. E di sana mareregulate at mamomonitor na ang mga pasugalan na tinatangkilik ng publiko. E di sana matitigil na ang pagdadatung ng gambling lords kung kanikanino, gobyerno na mismo ang dadatungan by paying taxes. E di may pag-asang mabawasbawasan ang ating kauutang at kapapalimos ng foreign aid. O di ba?

Alma-Dolphy-ZsaZsa: Trianggulong Pinoy

Bongga 27 June 1989

Napansin niyo ba, nung naging public ang Dolphy-Zsa Zsa affair, hindi lang ang movie-going tabloid-reading TV-viewing star-struck baduy masses ang nabulabog? Di ba’t pati yung mga lumait-lait noon sa movie talkshows like See True ay biglang mala-Inday Badiday ang drama, with questions like, “But what did Zsa Zsa see in Dolphy, he’s so old na, old enough to be her lolo, and well, at least he didn’t leave Alma destitute, ilang bahay nga, apat?

Lahat ng Pinoy (na inaabot ng radyo, pelikula, peryodiko) tinamaan, na-affect ng balita at napa-react. I’m sure isang dahilan is that in the last seven (eight?) years, hindi biro ang iniangat ng stature ni Dolphy, even among the AB crowd, thanks of course not only to his genius and durability but also to the series of Dolphy specials Alma produced for him for TV.

By the time he took off, Dolphy had become a very high-profile figure, nasisilip madalas sa Loveli-Ness, napapanood weekly sa John en Marsha, and even more often sa hamburger at softdrink commercials, besides being a constant item in gossip columns dahil sa kanyang colorful relationship with Alma, a very public figure in her own right. We heard about them, we saw them, all the time, masasabi nga na naging bahagi na sila ng ating buhay, ng ating kamalayan, ng ating karanasan, like it or not.

Kaya naman nung takasan ni Dolphy si Alma, nung nag-break out of the relationship siya, feeling natin ay parang pati tayo’y tinakasan.

Besides, love triangle yung situation, which is one most Pinoys are all too familiar with. Kailan lang tayo binulabog ni Ex-Sec. Tony “Speedy” Gonalez (nainggit kaya si Dolphy?), and even more recently ni Vic Sotto, or rather, ni Dina B. at ni Coney R. na sabay pang umeksena, ‘no, patalbugan blues all the way. Mga dramang nagaganap din in private all over the land sa araw-araw na buhay-buhay ng mga pangkaraniwang Pinoy.

Kahit hindi kasal si Alma kay Dolphy, dahil sa tinagal ng kanilang pagsasama – longer than married couples Nora and Christopher, Sharon and Gabby, Vilma and Edu – parang mag-asawa na ang naging dating nila. And her pain touched us dahil we know what it’s like, we can imagine what it’s like, every Pinay gets a taste of it, mabibilang ang hindi, given the macho double standard.

Actually, Alma’s is the drama of the Filipino woman, who’s always figuring in a love triangle, whether type niya o hindi. Ang kina Dolphy at Zsa Zsa naman, drama ng Pinoy macho at ng kanyang taratitat, all is fair in love and war, matira ang matibay.

Bakit media ang laging sinisisi?

Napapansin niyo ba, tuwi na lang may nagaganap na scandal in government at nagkakabukingan, thanks to snoopy news resporters, sa huli media ang nasisisi at napag-iinitan. Remember the senators’ cars? The congressmen’s uzis? Media didn’t get facts right daw, media sensationalized things, media was irresponsible.

Ang latest, yung iskandalong Antonio “Speedy” Gonzalez at Malou Apostol – akalain niyo, sabi raw ng administration, media ang may kasalanan. Sobra raw ang pagkakahayag at pagkakakulit ng media. Sabi sa Chronicle (Chula M. Rodriquez 23 April) government officials noted that “media almost went overboard” in the Gonzalez-Apostol story.

Sey ni Secretary Joe Concepcion, media could have been more circumspect about it. Dapat daw tineyk into consideration hindi lang yung news value ng story kundi yung injurious effect on others, like the wife and children.

Excuse me lang, ’no, pero bakit ang media ang hinahanapan ng simpatiya? Bakit hindi ang Malacañang? Bakit hindi si Speedy? THEY chose to handle things that way. Media simply reacted, in its many different ways of reacting. Natural, naging laman ng front pages, TV newscasts, editorials, columns, at komiks. What did they expect?

Dapat daw naging circumspect. Ibig sabihin, dapat naging mas maingat, mas mahinahon, mas banayad ang media sa pag-report ng balita at pagtuligsa sa administrasyon. Sey ko naman, media was circumspect enough before the resignation. I’m sure the affair was common knowledge long before it became public. Pero hindi natin nababasa sa mga pahayagan o nababalitaan sa TV, hanggang grapevine lang, hanggang bulung-bulungan lang.

As a rule, hindi naman inuurirat ng media ang private lives and loves ng government officials, mostly out of respect na nga. Ibang-iba sa treatment that showbiz figures get. Take the Edu Manzano – Maricel Soriano affair. Nang mabuking ito ng media, kahit pa may-I-deny at may-I-no-comment ang drama ng dalawa, tabloid news agad sila, and later, broadsheet news na rin. That didn’t happen to Speedy. Not until he himself revealed the affair to media.

Siyempre ibang usapan na when he chose to go public at sa kanya na mismo nanggaling ang kuwento. Siyempre open season na. Sensational news deserves sensational treatment. Speedy asked for it and he got it.

Randy David, AIDS & Sex

Public Forum 17 April 89.

TANONG: Doktora, papaano po ba makakaiwas sa AIDS?

DRA: Ang natatanging paraan ay sexual abstinence.

RANDY DAVID: Mahirap ho yata yon!

Aliw na aliw ako sa reaction ni Randy D. Tao rin pala siya! Pero sayang at hindi niya tinutukan. Oo, mahirap pigilin ang panggigigil. Lalo na for people who have active sex lives, mahirap ang mag-abstinensiya. Okey lang siguro kung Kuaresma, time for penitensiya. But forever? As a way of life? NO SEX? No way.

Actually, sey ng American literature on AIDS, hindi naman lahat ng sex ay bawal. Ang bawal lang (LANG daw, o) ay yung pagtatalik, kung saan nagkakasalinan (nagkaka-exchange) ng body fluids ang magkatalik, as in sexual intercourse, front or back. Balita ko, less ang panganib of transmission ng the AIDS virus sa halikan, unless sobrang deep at prolonged at may kagatan pa ang kissing. Sabi rin, kaysa kissing, mas may peligro ang oral sex o pagtanggap ng semen / tamod sa bibig.

Sa ibang salita, other sexual activities – tulad daw ng masturbation o pagbabati, solo or with a partner or group; tulad ng masahe, hard or soft, powder or lotion – are all right. Medyo limited nga lang ang options as of now, pero we are encouraged to be creative. Mag-imbento raw ng new ways of coming to a climax. Mag-fantasy. Mag-ilusyon.

DRA: O kaya, gumamit ng kondom ang lalaki tuwing magtatalik.

RANDY: Kailangang magbaon kami ng kondom?

Ha-ha. Hassle nga naman, ’no? Nakakasira ng diskarte.

Maliban dyan, ang bigat ng pahiwatig – na duda ka sa iyong katalik, o duda sa iyo ang iyong katalik. Also, among machos, hindi uso ang kondom. Ano sila, takot?

DRA: Filipino males are the queerest in the world. Mga takot sa asawa.

COUNSELLOR: Ang overseas workers na nakakapag-uwi ng AIDS virus, hindi umaamin. Sinasabi sa asawa na nagkasakit sila sa abroad, na-opera sila, at malamang ay noon sila nasalinan ng infected na dugo.
Interesante, di ba? Hahanap at hahanap ng palusot si Mister. Mahirap na nga naman. Masamang magalit si Misis.

Kaya, girls, ha, take note. Yang ating mga mister, more often than not and in more ways than one, mga baluktot ang dila. Kung masama ang kutob mo – maybe alam mong malapit sa bargirls at madalas ay inuumaga – YOU should take the initiative, protect yourself from sexually transmitted diseases, including AIDS. Ikaw ang humiling na gumamit siya ng kondom kapag kayo’y magtatalik. Kung siya ang hihintayin mong magkusa, malamang ay he won’t. Or, at least, not right away. Nag-iisip pa siya ng palusot.

MRS: O, wag ka nang magkondom. Safe ako.

MR: Ha? … Ah …. Safe ka?

MRS: Oo. Bakit, ikaw, hindi?

MR: Ako? Hindi? Safe? Safe!