Category: marcos

Si Marcos daw ang “true hero” of EDSA ?!?

SABI-SABI NG MGA MARCOS #2

Si Marcos daw ang tunay na bayani ng EDSA.

Kung hindi daw kay Marcos, tiyak na dumanak ang dugo at maraming sibilyan ang nasaktan nuong apat na araw ng EDSA.

Malinaw daw ang utos ni Marcos kay Ver on nationwide TV: “My order is to disperse the crowd without shooting them.”

MALINAW PERO HINDI TOTOO

Behind the scenes, nung sinasabi niya kay Ver na my-order-is-not-to-shoot, sunud-sunod ang order ni Army Gen. Josephus Ramas kay Marine Col. Braulio Balbas sa Camp Aguinalo na bombahin na ng artillery ang Camp Crame.  May order din sa jet bombers ng Air Force na pasabugin ang kampo.  All orders were cleared by Marcos.

Mabuti na lang, kitang kita ng Marines at ng jet bombers ang sandamakmak na tao sa EDSA at sa Crame grounds.  Minabuti nilang huwag kumilos kaysa makapatay ng unarmed civilians.  Bahala na kung ma-court martial o makulong sila for not following orders.

IT WAS THESE SOLDIERS WHO SAVED EDSA FROM CARNAGE WHILE THE WORLD WATCHED. 

Unlike Air Force Col Antonio Sotelo na nag-defect bitbit ang 15th Strike Wing sa Crame, ang Marines ay bumalik sa barracks at tumulong na lang sa defense ng palasyo, samantalang ang jet bombers ay sa Clark Air Base nagpalipas ng rebolusyon.

Lahat sila, ke nag-defect a la Sotelo, ke nag-back to barracks a la Tadiar at Balbas, ke nagtago sa Clark Air Base a la jet bombers – lahat sila BAYANI na dapat ay naipagbunyi at taos-puso nating napasalamatan nung napaalis na si Marcos.

Sila ang unsung heroes of EDSA.   Mas bayani sila kaysa mga rebeldeng sundalong nag-defect only to hide behind the skirts of nuns and other civilians.

MARCOS FAIL

There was no way Marcos could have come out of EDSA smelling like a hero.  Bukung-buko na ng  taongbayan ang kanyang big-time panlilinlang at pangungulimbat habang pahirap nang pahirap ang buhay ng nakararaming Pinoy.

Tapos eto na naman, huling-huli na nandadaya, ayaw pa ring umamin, at ayaw magbitiw.  Kinailangan pa siyang takutin ng People Power bago mag-alsa balutan. Heroic ba yon?

There was never anything heroic about Marcos.  Brilliant and self-serving, yes, but heroic?  Wala siyang binatbat kay Ninoy.  Wala siyang  panama kina Tadiar, Sotelo, at Balbas.

WHAT IF

What MIGHT have been heroic, I dare think, ay kung (1) umamin si Marcos na nandaya siya, (2) nagbitiw siya nang kusa sa pagka-pangulo, at (3) iniuwi niya sa Ilocos ang kanyang buong pamilya, never again (any of them, born and unborn) to return to politics.

Imagine. What if.

Imbis na nagpondo ng mga kudeta, imbis na siniraan si Cory at ang EDSA, imbis na nag-ambisyong makabalik sa palasyo, WHAT IF nag-retire na lang silang lahat from politics at nagkawanggawa na lang, bilang pasasalamat na buhay pa sila, or something classy and remorseful like that ?!?

Tiyak, mas maayos ang Pilipinas ngayon.

Tiyak, hindi ako tumutol nung ilibing siyang bayani.

EDSA ’86 — Aquino vs. Marcos lang daw ?!?

SABI-SABI NG MGA MARCOS #1

Ang EDSA daw ay hindi pag-aalsa laban kay Marcos nung 1986.  Ang EDSA daw ay laban lang ng dalawang political families: Aquino vs Marcos.

HINDI TOTOO.

Ang EDSA ay pag-aalsa ng taongbayan kontra-Marcos nang dinaya ni Marcos ang snap election.

Dati nang gawi ni Marcos ang pandaraya sa  mga referendum at eleksyon in the 14 years of Martial Law – lutong Makoy, ika nga.

Yung 1986 snap election ang naging last straw.  Agad kasing napatunayan ng taongbayan na may nagaganap na dayaan nung mag-walk-out ang computer technicians ng COMELEC — iba daw ang vote-count nila sa vote-count na ibinibigay sa mga media na hawak ni Marcos.

Balita pa ng NAMFREL, sa mga balwarte ng Oposisyon may tatlong milyong rehistradong botante ang hindi nakaboto – nag-disappear na lang ang names nila sa voters’ lists.  Icing on the cake na lang ang confession ni Enrile nung Feb 22 na dinaya nila si Cory sa Cagayan.

Taongbayan na dinaya ang kalaban ni Marcos noong EDSA.

Taongbayan na sawang-sawa na sa panunupil at korapsyon ang nanindigan laban kay Marcos noong EDSA.

KUNG AWAY-PAMILYA LANG ang kina Marcos at Ninoy … gusto lang ni Marcos na mapatahimik si Ninoy … bakit buong bansa ang isinailalim sa Martial Law?

Kung si Ninoy lang ang problema, bakit umabot si Marcos sa Proclamation 1081 at Batas Militar?

ANG TOTOO:  Ang goal talaga ni Marcos ay mamuno sa Pilipinas habangbuhay.  Bagong Lipunan = Marcos Dynasty.  Marcos Forever.  Pagkatapos niya, si Imelda.  At pag-ready na, si Imee.  Na puwede lang mangyari kung walang Ninoy at kung tuloy-tuloy ang Batas Militar.

Pero dahil may isang astig na Ninoy Aquino na nanindigan laban sa diktador, na siya niyang ikinamatay, lalong namulat ang taongbayan sa tapang at kabayanihan ni Ninoy at sa kalupitan, panunupil, at panlilinlang ng rehimeng Marcos.

ANG TAONGBAYAN AT SI CORY

Taongbayan na mulat sa demokrasya at kalayaan ang nag-udyok kay Cory na tumakbong pangulo noong 1986.

At nang dayain ni Marcos ang snap election, taongbayan ang nagbigay-buhay sa crony boycott ni Cory.  Ika-pitong araw na ng boykot nang mag-defect sina Enrile at Ramos.  [Humahabol much?]

Sa kainitang iyon ng boykot, parang hulog ng langit ang datíng ng military defection.  Wow.  May armed forces na si Cory?!?  Agad sumaklolo sa EDSA ang taongbayan.

Ayun pala, hindi type ni Cory ang dalawang bandido, and vice versa,

Si Ramos ang nagpa-aresto kay Ninoy close to midnight of September 22 1972. Si Enrile ang “jailer” ni Ninoy 1972-1980.

Kung si Cory ang nasunod noong nag-defect sina Enrile, sa Luneta niya yinaya ang supporters niya, hindi sa EDSA.  Mas gusto niya sanang manood lang from the sidelines habang nagbabanatan at nagpapatayan ang puwersang repormista at puwersang loyalista. [Imagine. What if.]

Pero napangunahan ng taongbayan si Cory.  Sumusugod na sila sa EDSA nang nabalitaan ni Cory ang defection.  Humaharang na sila sa tangke nang bumalik si Cory from Cebu.

PEOPLE POWER

Sa huli, nang kumaripas ng takbo ang mga Marcos, hindi ito dala ng takot sa lumalakas na armadong puwersa ng kaaway – nagmamadali silang umexit dala ng matinding takot sa (unarmed) People Power na nagbabadya sa gates ng Malacañang.

People Power din, na nagbabadya sa gates ng Clark Air Base, ang ikinatakot ni Gen. Teddy Allen kaya siya humingi ng permiso sa Washington DC na ilipad paalis ng Pinas, sa lalong madaling panahon, ang  barkadang Marcos-Danding-Ver.

Ibang klase ang powers ng taongbayan kapag mulat, maraming marami, at nagkakaisa.  Walang armas, pero matapang at umaasinta.  Who knows what People Power can do?  Or make happen?

Iyan ang fear ni Marcos nung Pebrero 25 1986.  Hindi na siya in-control.  Mabigat  ang kalaban.  Anything could happen.  Kaya sila tumakbo.

BLACK PROP

Siyempre baliktad ang version of the story ng Marcos heirs.  Wala-lang daw ang EDSA, pulitika lang, away ng dalawang pamilya, kinidnap nga sila, kawawa naman sila.

Ang kakapal.

Ang kampanya ni Marcos Jr. is built on huge lies that paint the Marcoses all good and the Aquinos and EDSA all evil. 

Anything to justify a return to the Palace. 

Grabe ang riches at stake, ill-gotten and all. 

Worth na worth lying for, in the Marcos playbook.

*

read the marcos curse https://stuartsantiago.com/the-marcos-curse- 

the marcos curse #ByeByeMarcos

as if the omicron surge and the duterte government’s care-less response weren’t bad enough, we have to deal with a marcos jr. running for president…

one who brings back awful memories of martial law, the conjugal dictatorship, the greatest robbery of a government, the murder of ninoy aquino…

one who faces disqualification cases filed by civil society groups on grounds of income tax evasion and moral turpitude that the COMELEC is taking its sweet time deciding.

not surprisingly there’s talk of “insider” info that the COMELEC, whose seven commissioners are duterte appointees, is “not inclined to disqualify the client of legendary solicitor general Estelito Mendoza of the elder Marcos.

raissa robles is right.  “The Marcoses never really left home” (Inquirer 2014).

In 1998, by Imee Marcos’ own reckoning, “we waited 12 years to be on the right side of the fence.” Right side meant a political alliance with then victorious President-elect Joseph Estrada, velvet seats in Congress for Imee and her mother, and a governorship for Bongbong.

An ecstatic Imee spilled the family’s secret to success: “Many professionals were appointed by my father. So you have this immense bedrock of Marcos appointees who keep moving up.”

Like secret stay-behind units, this vast army of professionals scattered in all sectors of society have defended the Marcoses and helped erase the dark legacy of their regime. 

it’s like ferdinand marcos laid a cruel curse on the nation that the children are happily carrying on in his name, in his memory, with the eager support of a “bedrock” of grateful and beholden loyalists, bureaucrats and professionals from all sectors, who held the fort while they were away, and who have since moved up to real positions of power.

maybe this explains why the court of appeals dropped the jail sentence in marcos jr’s appeal of the RTC decision vis a vis his failure to file income tax returns for four years?

and maybe why COMELEC’s 2nd division ruled against canceling his COC despite the NO to question #22 because the respondent daw “cannot be said to have deliberately attempted to mislead, misinform, or hide a fact which would otherwise render him ineligible” ?!?

really ?!?  as in, he didn’t mean to lie?  is that like saying it was an honest mistake?

but is there anything honest about marcos jr. who has lied again and again about historical facts vis a vis martial law and his parents’ plundering ways, human rights violations and EDSA ’86?

and isn’t the fact that he took 4 years to follow the court of appeal’s order to pay up an indication of moral turpitude — a demonstration of arrogance, as though he were above the law?  isn’t that of a piece with the supreme court’s 2016 definition of moral turpitude in G.R. No. 219603?

Moral turpitude is defined as everything which is done contrary to justice, modesty, or good morals; an act of baseness, vileness or depravity in the private and social duties which a man owes his fellowmen, or to society in general. Although not every criminal act involves moral turpitude, the Court is guided by one of the general rules that crimes mala in se involve moral turpitude while crimes mala prohibita do not.  G.R. No. 219603

mala in se are acts wrongful in itself.  mala prohibita are acts that are not inherently evil or wrong.

i submit that tax evasion and lying about having been convicted are inherently wrong — no ifs or buts, no benefit of any doubt — and the liar and tax evader marcos jr. should be disqualified.

here’s praying the COMELEC en banc — or failing there, the supreme court — sees the light and disqualifies marcos jr. once and for all time.

otherwise these institutions would be complicit in perpetuating, keeping alive, the marcos curse on nation, and history and posterity will judge them harshly for betrayal of public trust.

gintong aral #halalan 2022

TANONG #1

totoo bang may sangkatutak na ginto ang mga marcos na nakaimbak kung saansaan sa mundo?  

sabi ni imee marcos noong kampanya niya for senator, 2018, HINDI TOTOO.

“I think it’s fun to think of all the gold, and it continues to be urban legend. I’ve never seen any gold. I’ve heard about it being talked about constantly pero wala namang nakikita, wala naman kaming napapakinabangan, wala namang nabenta.” she said. https://www.dailypedia.net/2021/11/

pero sabi ni enrique zobel noong october 1999, TOTOO.

… in a 14-page sworn statement issued before the Senate Blue Ribbon Committee at the Philippine Consulate in Honolulu between October 27 and 29, 1999 … Zobel said Marcos had $100 billion in his name and part of it was $35 billion in gold bars.

Zobel said Marcos, then weak and ailing, showed him original certificates of the gold bars worth $35 billion, then based on the prevailing price of $400 per ounce, after Marcos asked to borrow some $250 million several months after the Marcos family landed in Hawaii. Marcos signed a promissory note for the loan, with the certificates meant to prove he could pay him back. The promissory note was dated October 17, 1988, one day before was indicted in the United States.

Apart from the gold certificates, which came mostly from Germany, Zobel said Marcos had in possession two more tranches of gold from Suriname, a sovereign state in the northeastern Atlantic coast of South America. In all, he estimated that Marcos had total wealth of some $100 billion. When Flavier asked him if he heard it right, Zobel replied: “Yes, $100 billion.” That was in 1989. https://news.abs-cbn.com/focus/09/21/17/

sabi rin ni imelda marcos kay former manila mayor lito atienza, bandang late 1990s or early 2000, TOTOO.

Former Manila Mayor Lito Atienza, now Buhay party-list representative, said on Wednesday that Imelda Marcos, the widow of dictator Ferdinand Marcos, once confided to  him that her family kept 7,000 tons of gold deposited all over the world. Atienza said Imelda, now an Ilocos Norte representative, claimed that she had offered to pay off the country’s foreign debt with the gold but she supposedly could not touch the money due to the interference of a “superpower.” The congressman said Imelda made the revelation in a private talk some time in the late 1990s or early 2000s at a wedding in which both of them stood as sponsors.
https://newsinfo.inquirer.net/926920/

sabi rin ni imelda kay mel tiangco ng GMA Network noong july 2013 sa interview na naganap sa marcos ancestral house sa san juan, TOTOO.

While going through the “war” room where Imelda mentioned documents amongst the 170 banks around the world where FM had deposits, she then brought to Tiangco’s attention a “bill of lading” which showed an amount of $249 billion dollars. https://www.youtube.com/

at sabi rin ng supporters / propagandists ni bongbong sa youtube, TOTOO. sangdamakmak, ONE MILLION METRIC TONS! https://www.youtube.com/watch

TANONG #2

kung totoong may sangkatutak na marcos gold, saan galing ang gintong ito?  

ayon kay mrs. marcos noong february 1992 — kakauwi niya noon at hinaharap ang mga kasong ill-gotten wealth filed by the PCGG — galing ang yaman nila, hindi sa kaban ng bayan, kundi sa ginto ng yamashita treasure.

Imelda Marcos claimed Monday that her late husband’s fortune was based on Japanese and other gold he found after World War II and not on funds embezzled from the Philippine treasury. She said President Ferdinand Marcos never disclosed the existence of gold to tax authorities because the amount was so huge ″it would be embarrassing″  https://apnews.com/article/ 

ayon din sa artikulong “Soldiers of Fortune: ‘We were there, we dug up gold'” na una daw nalathala sa Inquirer noong 1995 (sabi sa isang website, 2005 sabi sa isa pa), si marcos daw ay unang nagpahukay ng yamashita treasure noong 1965 at itinuloy noong  martial law hanggang 1981.  ang source of information ay mga sundalo ng 16th Infantry Battalion na naghukay daw for the yamashita treasure as part of Task Force Restoration under gen. fabian ver.

The soldiers said even before martial rule in 1972, Marcos had already successfully excavated gold bullions and gemstones at the Manila Railroad Company (MRRCO, now PNR) yard complex at Tutuban terminal. This was at the start of his first term as president from 1965 to 1969. He started treasure digging when elected president in 1965 but could not finish it in four years; thus the need to employ soldiers to continue the work under Task Force Restoration when he was re-elected.

The soldiers claimed that in all, they excavated and retrieved more than 60,000 metric tons of gold bars, bullions, and other precious metals such as palladium, platinum, chrome, nickel, zinc and little babbitt bars. There were precious gems such as diamonds, both cut and uncut. Among the “major” treasure sites which the soldiers had dug up were in Caliraya in Cavinti-Lumban, Laguna; Baras and Teresa in Rizal province; Montalban caves in Montalban, Rizal; Montalban Mascat; Sitio Mayagay, Sampaloc in Tanay, Rizal; Fort Bonifacio Tunnel; Fort Bonifacio hospital; the area of the Manpower and Youth building; Bastion de San Lorenzo in Fort Santiago; Muñoz in Nueva Ecija; Balok bridge, also in Nueva Ecija; site of the Central Luzon State University statue in Muñoz; Sta. Fe in Nueva Vizcaya; Campo 4 in San Jose, Nueva Vizcaya; and San Mateo in Rizal province.

The gold bars dug by the soldiers were stored in the vaults of the old Central Bank in Intramuros. Later, in the mid-1970s, Marcos “ordered the construction of a new and modern coin and gold minting and refining plant of the Central Bank along East Avenue in Diliman, Quezon City.”

According to the soldiers, this was to “further accommodate voluminous bulk of Yamashita gold bars and bullions for remelting” to change their original forms and markings which included the countries where the gold came from.

… The different gold bars that the soldiers dug up had inscriptions such as “Cambodia” with five star markings; “Sumatra” with four stars; “Burma” with three stars, and other marks identical to the countries of their origin. The Cambodia gold bars weighed 6.3 kilograms each; the Sumatra gold bars weighed 6.2 kg each; and the Burma bars weighed around 6 kg each.
http://tuong2008.blogspot.com/2008/08/
https://www.treasurenet.com/
https://www.bibliotecapleyades.net/

ayon kina carmen pedrosa at senator ernie maceda at sa PCGG, tiyak na may marcos gold na nanggaling  sa CENTRAL BANK reserves mismo.

[before 1978] private mining companies and individual operators sold their gold ore to private export firms or to the government. The ore was sent to England and the United States, where it was refined and converted into bullion that helped support the Philippine currency.

Initially, “the whole system was in private hands,” Maceda said. “There was no easy way Marcos could get at it.” But in 1978, under martial law, Marcos ordered the entire system placed in the hands of the government. By decree, Marcos ruled that all gold mined in the Philippines had to be sold to the Central Bank, which built a refinery to process it.
https://www.latimes.com/archives/

Marcos  opened the Central Bank Gold Refinery and Mint in Quezon City [1978]. It is said that this was where the gold could have been minted into international standards of exchange.

The LA Times reported that 6.325 metric tons of gold was unaccounted for in the Central Bank. Between 1978, the year Marcos ordered all gold producers to sell only to the CB, and end 1984, the Bureau of Mines reported that 124,234 pounds of gold were refined. But the CB reported it received only 110,319 pounds during this same period. That left a difference of 13,915 pounds (6.325 metric tons).
https://www.philstar.com/opinion/2017/09/01/

pero ayon sa mga YouTube video ng marcos camp since 2011, galing daw ang ginto sa isang tallano clan na ubod ng yaman at dati’y may-ari ng buong pilipinas — mga kadugo, kamaganak daw, nina queen elizabeth, jose rizal, adolf hitler, at yamashita — na pinamanahan si marcos ng tone-toneladang ginto dahil napakagaling daw nito na abogado, or something like that.  a wildly ridiculous and convoluted fairytale that former chief justice meilou sereno and historian xiao chua have disputed discredited debunked.
http://www.positivelyfilipino.com/magazine/
https://www.facebook.com/profile/

MALINAW na pinasadyang tugon ang kuwentong tallano gold BILANG PAGTANGGI sa mga paratang, at hatol ng mga korte, na magnanakaw ang mga marcos.  paulit-ulit ang mensahe ng marcos propagandists na ang kayamanan ng mga marcos ay hindi nakaw sa kaban ng bayan kundi galing sa ginto na lehitimong pag-aari ni marcos.

TANONG #3 

bakit kumambiyo ang kuwentong marcos gold papalayo sa yamashita treasure?  

kasi, kung sa yamashita treasure nga galing ang kayamanan ng mga marcos, ibig sabihin ay hindi ito lehitimong pag-aari ni marcos.  NAKAW NA YAMAN din ito — ninakaw, sinamsam, ng  japan sa asian countries na sinakop nito noong world war 2.

tila ito rin ang dahilan kung bakit palihim o di hayag ang treasure hunting operations and findings ever, dahil kung / pag may nahahanap na ginto at alahas atbp., nangingialam at nakiki-angkin siyempre ang mga bansang pinagnakawan.  at tila iyan na nga mismo ang nangyari, kung paniniwalaan ang 1989 research di-umano ng press secretary ni cory na si conrado limcaoco into the yamashita gold na supposedly ay na-recover ni marcos.

The 12 Asian countries conquered and plundered by Japan in World War II … believe they have a stake in this as it was from their countries that the Japanese took it from. Marcos struck deals with many of these Asian countries. He shipped back some of the gold to them in return for a share in the booty. For example, the gold shipped back to Singapore, Malaysia, Indonesia, and India are reportedly split now at 70% of the particular country and 30% for Marcos. Japan allegedly has been promised 50% of Marcos 30% in these Asian settlements. Mrs. Yamashita has alleged shares in some of the gold stock in Asia.
https://kahimyang.com/

TANONG #4 

bakit humadlang / humahadlang ang “superpower” sa pagbawi o pagbenta ni imelda sa gintong itinago daw ni marcos kung saansaan sa mundo?  

ayon sa review ni chalmers johnson (London Review of Books) ng librong Gold Warriors: America’s Secret Recovery of Yamashita’s Gold (2003) by Sterling and Peggy Seagraves, mula’t sapul ay sangkot hindi lang si marcos kundi ang mga amerikano rin, led by gen. douglas macarthur, sa pag-recover ng yamashita treasure hindi lang dito sa pilipinas kundi sa japan din noong matapos ang world war 2.

Back in Washington, it was decided at the highest levels, presumably by Truman, to keep these discoveries secret and to funnel the money into various off-the-books slush funds to finance the clandestine activities of the CIA. One reason, it has been alleged, was to maintain the price of gold and the system of fixed currency exchange rates based on gold, which had been decided at Bretton Woods in 1944. Just like the South African diamond cartel, Washington’s plotters feared what would happen if this much ‘new’ gold was suddenly injected into world markets.
https://www.lrb.co.uk/the-paper/

dahil kakontsaba siya di-umano ng mga kano sa pagtago ng recovered yamashita gold, akala siguro ni marcos ay exempted siya sa rules at maiibenta niya kahit kailan niya gusto ang gintong sinasabing inilagak niya sa 170 banks around the world.

ANG PROBLEMA, by the time napatalsik siya nuong 1986, sikat na sikat na siya bilang big-time magnanakaw — nahirang pa sa Guiness Book of World Records na “Greatest Robber of a Government”.  malamang, dahil sa current (and future) claims of ill-gotten wealth filed (and yet to be filed) by the philippine government re all these hidden assets, di na basta basta ine-entertain ng mga bangko at depositaryo ang mga effort ng mga tagapagmana ni marcos na mag-withdraw o magbenta ng sinasabing yaman.

TANONG #5 

bakit no-comment si bongbong tungkol sa mga youtube video na nangangakong pag nahalal siya ay gagamitin niya ang ginto para iangat ang pilipinas sa utang gutom, at kahirapan?  

dahil hindi niya ina-acknowledge o kinukumpirma ang mga pangako ng kanyang supporters sa mga botante, baka ibig sabihin ay hindi niya kailangang tumupad sa mga pangakong pabuya’t ginhawa kung sakaling mahalal siya sa 2022.

palagay ko rin, atat na atat siyang maging pangulo hindi para sa ikauunlad ng bayan kundi para sa  ikagaganda ikababango ng pangalang marcos.

bilang pangulo, given the mandate of the people, magkakaroon siya ng poiitical leverage, as in, hindi na siya basta-basta maiisnab ng superpower na umisnab kay imelda.

hindi ako sure kung kakayanin niya, bilang pangulo, na ipatigil for good ang mga kasong ill-gotten wealth, pero sure ako na mapipilitang makipag-negotiate sa pamilyang marcos ang mga kano, alang alang sa US bases sa pampanga, nueva ecija, cagayan de oro, cebu, at palawan under the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na up for renewal in 2026.
https://en.wikipedia.org/wiki/Enhanced_Defense_Cooperation_Agreement

TANONG #6   

kung sakaling suwertihin nang katakut-takot ang mga marcos — manalo si bongbong, magoyo ang mga kano, makabenta ng ginto atbp. — makinabang din kaya ang pilipinas o sila-sila lang?  

maari naman, kung maniniwala tayo, kahit walang pruweba, na iba si marcos jr. kay marcos sr.

pero dahil buking na buking na sinungaling ang mga marcos — wala daw silang nakaw na yaman gayong napatunayan na sa mga korte dito at sa amerika na ninakawan nina ferdinand at imelda, tinuring na piggy bank, ang kaban ng bayan — kaduda-duda na tutupad si bongbong sa  pangakong golden age finally para sa pinas.

TANONG #7  

kaya ba ni marcos jr. na magpatakbo ng gobiyerno?  

may sabi-sabi na kung mananalo si marcos jr., ang malamang na magpapatakbo ng gobiyerno ay si ate imee at ang asawang si lisa araneta (kung hindi si gloria arroyo).  parang kapanipaniwala ito dahil wala naman tayong proof of statesmanship — i.e., skill in managing public affairs — on bongbong’s part.  “lazy and carefree” nga, in the words of his dad.  (cocaine adik pa nga daw, sabi ni dutz.)

ang tsismis back in they days ay si imee talaga ang chosen one ni marcos noong maysakit na siya, kaya lang ay hindi pa ito handa noon, kaya si imelda muna ang  pinangalanan niyang successor.

maaaring ito rin ang dahilan kung bakit noong si imee marcos ang tinanong tungkol sa ginto ay deny-to-death ang drama, tatawa-tawa lang.

hedging their bets, kumbaga.  no promises, no obligations,  just back in business with a lot of motherhood, or should i say fatherhood, statements.  so marcosian.  like father, like daughter.

#RememberArchimedesTrajano #BlockMarcos #NeverAgain