on august 20, just 45 days from now, it will be a whole year that the senate blue ribbon subcommittee has been investigating, pounding on, the binays, father and son, for alleged corruption and other sins. the hearing on july 8 will be the 22nd. in numerology 22 is the most powerful of numbers, for good or ill.
“We will come out with something very interesting. It will show the character of the (Binay) family.” Trillanes said it is important for the public to know how the Vice President and his family really are so they would be able to make a better judgment in the 2016 elections.
well, at least di na nagpapanggap ang trying-hard triumvirate that this is all in aid of legislation. trillanes practically admits that this is all in aid of changing the minds of voters who support vp binays bid for the presidency, obviously in aid of improving the prospects of other wanna-bids. basta the mantra seems to be: anyone but binay. hmm. i wonder if that applies to bongbong as well.
i get it naman, this picking on the binays to knock the vp out of the race, and decisively. but why is it taking forever? it took them just six months to impeach and pronounce chief justice corona guilty. maybe impeachment was the way to go? or talaga namang walang ebidensiya that would stand up in an impeachment court? or marami palang binay supporters sa lower house so speaker belmonte did not even want to try?
but what truly grates is that natabunan na lang ang PDAF, DAP, mamasapano, MRT, at kung anoano pa, no thanks to media. worse, cayetano, pimentel, and trillanes don’t really inspire confidence in the rightness of their cause, being themselves not beyond reproach, correct me if i’m wrong.
“Senator Antonio Trillanes IV on Tuesday insisted that the ongoing Senate blue ribbon subcommitteee hearing on the corruption charges against Vice President Jejomar Binay is in aid of legislation, even as it seeks to expose the ways Binay and his family allegedly abuse their power in Makati.”
More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/387536/news/nation/trillanes-insists-vp-binay-probe-is-in-aid-of-legislation
trillanes is nothing but consistent on this, believe him or not.
PDAF and DAF na desisyunan na ng SC. Marami na din ang sinampahan ng kaso ang Ombudsman. Patuloy pa rin ang pag imbestiga sa mga ilang hindi pa nasasampahan ng kaso. Malaking trabaho ito kasi ang pagsampa ng kaso ay hindi ganun-ganun lang.
Walang selective justice dito. Pero kung meron man, e sori na lang ang tamaan. Lumabag sila sa batas face the consequences. Kung sinuman ang inuna o linagay sa huli wala na yun sa poder nila kasi sa paglabag ng batas ay inilagay nilang mga criminal ang sarili sa kapangyarihan at capricio ng alagad ng batas. Dapat naman siguro alam na nila yan bago nila linabag ang batas. Dalawangpu ang jaywalking, iisa ang pulis. Sori na lang dun sa mga dinampot kasi hindi kaya ng isang pulis damputin silang lahat ng sabay-sabay. Lahat ng nag jaywalk alam naman na baka sila ang matsambahan pero umasa sila na baka makalusot sila dahil sa dami nila ay hindi kaya nung nag-iisang pulis na hulihin silang lahat.
Ang Mamasapano nagkaroon na ng hearing sa both Houses. Naglabas na din sila ng kanilang reports. Ang administrasyon, ang MILF, pati na rin ang mga int’l monitors ay tapos ng mag-imbestiga at mag bigay ng reports.
Ang MRT naman ay hindi masosolusyunan hanggang hindi ma-solve sa korte ang laban ng mga franchise holders at ng gobyerno. MRT is a spider web of companies, holding companies, partnerships at kung anu-ano pa. Expertise yan ng Fil-Estate. Maski yun John Hay ganyan, hindi ma-untangle. So kung gusto niyo makakita ng solusyon sa MRT, just take it away from the private owners, nationalize it. But be prepared for the consequences.
Ang lahat ng mga ejemplong iyan -Pdaf, Dap, Mamasapano, Mrt- ay natapos agad kasi ang administrasyon ay nag cooperate sa lahat ng imbestigasyon. Wala silang pinigilang opisyal na sumipot sa mga hearings.
Walang claim ng executive privilege o kahit man lang gumamit ng spurious claim tulad ng ginawa ni Binay about “protecting the dignity of the office of the vice president”.
Tapos na sana yan hearings kung nung una pa lang ay humarap na si Binay sa Senado nagpaliwanag at pinabulaanan ang mga testimonya at ebidensya laban sa kanya. Pero ayaw niya. At hindi lang sa ayaw niyang sumipot e itinago pa niya ang mga testigo tulad ni Ebeng at ni Gerry. That is why IT is taking forever.
Hindi kailangan ng ebidensiyang matibay sa impeachment court. Numbers lang ang kailangan diyan.
Maraming ebidensya laban kay Binay that will stand up in court. Pati yun mga dating mga kasong nalusutan niya ay matibay ang ebidensya kaya nga nakalusot siya not because he was able to refute the evidence but because of technicalities. Lahat ng abswelto o dismissal na pinanalo niya ay on technicalities and not absence or insufficiensy of proof.
Trillanes, Cayetano, Pimentel or anyone else does not have to be pure to prosecute someone else for a crime the prosecutor was not personally involved in. “He who is without sin” does not apply here….the boxing term “protect yourself at all times” is what applies to anyone who ventures into electoral politics, for any public servant who decides to break the law kasi sa larangan na yan laging meron titira sa kanila.
So bakit mo naman ihahambing ang kaso ni Binay na hanggang ngayon ay bukas pa dahil sa sadya niyang kagagawan dun sa mga kasong binanggit mo na dumaan sa hearing at nasarhan na sa pamamagitan ng pagbigay ng conclusion ng mga investigative bodies? Sarado na yun mga kasong yun, yun kay Binay ay bukas pa kasi ayaw niyan humarap at pabulaanan ang mga paratang sa kaniya.
quite a boring 22nd so far. nasaan na yung “very interesting”
Disappointing nga. Trillanes is too overbearing, Dapat mag isip-isip siya ng konti kung bakit pinapayagan ni Binay mag testify si Tommy Lopez. Kung may sabit si Tommy, who happens to be a friend and high school batchmate, siguradong itinago na rin siya ni Binay. Nakakapagtaka din kung bakit hindi na sumisipot si Alan Peter sa hearing. Dalawa na yata yang absent siya.
“God spare the queen” http://www.manilatimes.net/god-spare-the-queen/198411/
Sobrang sakay naman niyang columnist na yan sa spin ni Binay. Kinocomplicate pa niya. Napaka-simple lang ng explanation. Binay is being hounded because he is a crook, because not going after a crook who is a personal friend of th Aquinos would lend credence to the selective justice red herring. Kailan susulat yan columnist asking for lrnirncy to GMA and the three senators?