almario, pilipinas, revolution

so, finally national artist and KWF chief virgilio almario is engaging with mainstream and social media re the renaming of country.  he’s been on radio and television, and KWF’s facebook page has a Q & A primer of sorts and other essays, and on katrina’s wall i saw part of a letter from almario to his supporters where he claims that the change from pilipinas to “filipinas” is revolutionary, or something to that effect.

he seems to have backed down on “burahin ang philippines,” which is good.  the philippines in english stays, but pilipinas in tagalog/filipino he still wants to kill and replace with “filipinas” so as to be consistent daw with “filipino” the language.  e what if, para consistent, yung “fiipino” the language na lang ang ibalik natin sa “pilipino” na ginagamit pa rin naman ng maraming pilipinong hirap magsambit ng “ef” sound?  ay, kakailanganin ng charter change, ‘no?  ‘wag na lang, let’s just leave it as is.  anyway it won’t be the first time that the constitution is defied (think dynasty).

sabi rin ni almario, dito LANG daw sa atin tinatawag na “pilipinas” ang bansa — in europe daw, lalo na in spain, we are known either as the philippines or filipinas.  kaloka.  papalitan natin ang matagal nang tawag natin sa ating bansa dahil “filipinas” pa rin ang tawag sa atin ng spain?  hello?  pakialam ko sa spain.

and what about this: “pinoy” and “pinay” come daw from the last two syllables of “pilipino” and “pilipina”, and pinas from the last two syllables of “pilipinas,” therefore changing to “filipinas” won’t change it to “finoy” and “finay” or “finas.”  i am in complete agreement with prof lilia quindoza-santiago on this.

… tungkol sa palayaw na “Pinoy” at “Pinay” na sabi ay galing sa ikatlo at ikaapat na pantig NG FILIPINAS – paano KAYA natiyak ng KWF ito? Patunayan sa bisa ng estadistika at masusing pananaliksik! Sa kalaganapan ng gamit ng Pilipinas, maaaring may timbang pa rin ang unang titik at pantig na /Pi/, sige nga mapapatunayan ba ninyo na yung ikatlo at ikaapat na pantig ang pinagmulan ng Pinoy at Pinay? THIS IS REALLY AND TRULY ABSURD!

indeed.  show us the proof.  it is even more likely that “pinas” comes from “naspi,” early slang for pilipinas among musikeros abroad, a la yosi for sigarilyo, first and last syllables reversed.

ayon pa  kay almario, walang batas na nilalabag kung papatayin o pipigilin ang “pilipinas” in favor of “filipinas.”  pero kahit na.  changing the name of the country is no small matter.

prof lilia:  ang pagbabago ng pangalan ay isang desisyong legal – kahit naman sa indibidwal, hindi mo basta-basta mapapalitan ang iyong pangalan, kelangan pumunta ka sa korte at manghingi ng legal na kautusan para mapalitan, kahit iisang letra lang ng iyong una, pangalawang ngalan at apelyido.  E ganito ang batas para sa pagpapalit ng ngalan ng isang tao, hindi ba mas dapat sundin ito sa pagpapalit ng ngalan ng bansa?  Tawagin na ninyo akong legalistic, but that’s what it is folks.  Walang mangyayari sa resoulusyon ng KWF na ito kung hindi gagawing batas ang pagpalit ng ngalan ng Pilipinas para ito itatak sa ating pasaporte.  Ibig sabihin, in William Faulkner’s words, this is all “sound and fury signifying NOTHING.”

besides, changing what almost a hundred million filipinos call their country simply cannot be, should not be, a decision for government to make.  if at all, it should be a response to already widespread use of “filipinas,” if ever.

isa pa, ano ba talaga ang itinawag ni bonifacio sa bansa?  pilipinas o filipinas?

Ipinaliwanag ni Almario na ang “Filipinas” ang orihinal at opisyal na pangalan ng bansa hanggang sa dulo ng ika-19 siglo at ginamit ni Jose Rizal sa kanyang mga gawa at ni Andres Bonifacio sa kanyang tulang “Katapusang Hibik ng Filipinas.” 

but if you google  Katapusang Hibik ng Flipinas, the search engine gives you links to Katapusang Hibik ng Pilipinas instead.  so, ano ba talaga?  this is no small matter either.

which brings me back to revolution and this quote (from a letter almario wrote to his supporters) that katrina posted on facebook:

“Ang “Filipino” at ang “Filipinas” ay kinatawan lamang ng nabubuong pambansa at makabansang rebolusyon, isang bagong himagsikan mula sa kultura ng korupsiyon at kamangmangan na umiiral sa ating kasalukuyang “Pilipinas,” tungo sa higit na pagkakaisa at kaunlaran ng sambayanan.” — Virgilio Almario.

medyo over the top, thus drawing this rejoinder from prof. lilia:

Lilia Quindoza Santiago  Kung laganap ang korupsiyon at kamangmangan sa kasalukuyang “Pilipinas”, babaguhin ba ito ng pagpapalit pangalan patungong Filipinas? Paano? Paano nga ba nagaganap ang pagbabago ? – Ito ba ay idinidikta ng otoridad mula sa mga nakaluklok sa posisyon sa gobyerno o mula sa mga mamamayang nagnanais ng pagbabago? Ano ang ikinaiba ng analysis na ito sa narinig ko na ( at ayaw kong paniwalaan) na “damaged culture’ ng mga tao sa arkipelago?

for a language to be revolutionary, for language to bring national unity and progress sans corruption, it would have to be truly a language of the masses, and not some laboratory version that doesn’t make sense.

WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID, says the cover photo of KWF’s facebook page, apparently in celebration of Buwan ng Wikang Pambansa and some Pambansang Kongreso sa Wika in august.

WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID.  our language is the straight path?  really?  a language that ‘s killing off more and more tagalog words and taking in more and more english ones and even ispeling them the tagalog way so that matitisod ka at mapapaisip muna, o tatamarin ka na lang magbasa at magsulat?

or is it, the straight path is our language?  what straight path.  at least di ko na naririnig yung kung-walang-corrupt-walang-mahirap line, i suppose dahil di naman kayang panindigan.  it’s time to drop daang-matuwid too, methinks, because it’s just another road that has the oligarchy and its minions laughing all the way to the bank, as always.

WIKA NATIN ANG DAANG MATUWID?  come on, KWF, you can do better than that.

 

Comments

  1. The Philippines has, what, 114 separate languages? The variability of pronunciations and spellings from cross-over words must run in the tens of thousands. To declare a national spelling is like trying to order a stick to float upriver. Who needs it. I’d think unity ought to be found in some degree of amusement that the Philippines is such a culturally rich and diverse land. Pragmatics requires that Tagalog and English be used as common languages, but there ought to be no national language and no national spelling. Just national flexibility and a good sense of humor.

    • Yes, it is. But as I am concern, atleast it is a living proof that the development of out language here is alive. And it is said that if your language is alive, it tends to change or to seek developments in it as if correcting grammars and so on.

  2. GabbyD

    ” e what if, para consistent, yung “fiipino” the language na lang ang ibalik natin sa “pilipino” na ginagamit pa rin naman ng maraming pilipinong hirap magsambit ng “ef” sound? ay, kakailanganin ng charter change, ‘no? ’wag na lang, let’s just leave it as is.”

    that was my idea too! palagay mo kailangan ng chacha? its just a name change, and there’s nothing substantive to it. i doubt that it needs it, no?

  3. manuel buencamino

    Pilipino ang language. Filipinas ang bayan. Pero ang pag pronounce ng Filipinas ay Pilipinas. Hindi mapapalitan ni Almarion ang pagbigkas natin.. Nga pala gagawin din niyang Finoy ang Pinoy?

    Nag-evolve na ang Filipinas to Pilipinas. Yun written sumusunod sa spoken. Bakit hindi matanggap ng KWF yun. Pati ang dila ko pakikialaman nila.

Comment