no doubt butch and julia and luis abad are all qualified for their new jobs. but what keeps coming back to me is a campaign promise — can’t remember now if it was butch a. himself who said it or somebody else — that noynoy’s would be a different kind of presidency, supporters would not be expecting any payback in terms of juicy positions in government. so talaga, i am so with juana change a.k.a. mae paner on the abad appointments. one is enough, two is too much, three is over, as in grabe naman, wala na bang iba, lalo na’t the wife is also in the lower house? ano ba yan, daig pa ang mga marcos at mga arroyo, na at least ay puro elected by the people. or is that the point? is this a different kind of dynasty building? there are other ways of skinning a cat? karirin na lang ang pagsipsip sa presidente? okay lang ba ito sa sisters? love na love lang talaga nila ang mga abad? bad bad bad. so nakakaalibadbad.
i remember in the debates that noynoy never favored a ban on political dynasties.
http://www.malaya.com.ph/02172010/news2.html
the money quote:
“Aquino, of the Liberal Party, said Monday night at the presidential forum sponsored by the Foreign Correspondents Association of the Philippines, that he would support a bill against political dynasties if elected as president.
“Yes, in the sense of leveling the playing field but no in the sense that a surname automatically (makes you guilty) of a crime you are being accused of,” he said.”
this means that he believes that the real problem with political dynasties is the non-level playing field induced by conflict of interest aspect. the mere fact that that you share the same family doesnt mean it should be apriori illegal
hmm. “leveling the playing field” ba yan? llamadong llamado naman ang mga abad, and by presidential fiat no less. sobra naman silang sinusuwerte.
Sa ngalan ng ama, ng ina at ng mga anak, sinusuwerte talaga sila. toink
Wasn’t the word “delicadeza” also repeatedly used by NoyNoy, Lacierda, deLima, the “Yellow Army”?
Does the abad appointments conform to “delicadeza” or “teka muna…sobra na”?
As I understand it, Julia Abad was Aquino’s chief of staff in the Senate. So nandoon na siya na nagtatrabaho kay Aquino bago pa siya naging presidente. Natural lang na dalhin siya ni Aquino sa malacanang para mamuno ng presidential management staff kasi chief of staff position din yun, di ba? Meron ng tiwala si aquino sa kanyang kakayahan.
bakit niya iiwanan si aquino ngayon?
Pwede natin tignan ang appointment ni Julia apart from the appointment of her father kasi si butch ay matagal na din kasama at pinagkakatiwalaan ni aquino. magkaartido pa sila. so they have a shared vision. so bakit hindi gugustuhin ni aquino na siya ay kasama sa gobyerno? At si abad naman, bakit niya iiwanan si aquino ngayon?
So both Julia and her father earned the trust and confidence of Aquino on their own merits, working with him in different capacities.
I’m not familiar with the circumstances behind the appointment of the other abad child as an undersecretary so i cannot comment on that.
Pero yun wife ni butch naman ay hinalal ng mga tiga-Batanes. wala na tayong karapatan makialam sa diskarte ng mga bumoto sa kanya.
Ngayon, paano kung maging super galing ang performance ng mga abad sa gobyerno, sasabihin pa ba natin na sobra ang dami nila o sasabihin natin na sayang apat lang sila?
Yun mga bumoto kay aquino nararapat lang tameme muna ngayon. Bantayan ang mga appointees niya, kung gumawa sila ng kapalpakan at hindi sila alisin sa pwesto yun na ang tamang panahon para umangal.
bigla bang naging hindi demokrasya ang pilipinas at pinatatememe mo ang mga tao mb?
hinanahanap ko nga ang performance ni butch abad noong deped sec siya at agriculture sec kung anong magaling ang naintroduce nya na narecyled siya as budget secretary.
alam ko yong anak chief of staff ni noynoy pero parang wala ring naitulong para makapagpass ng bills si noynoy.
don’t you think he is also succumbing to pressure groups? kung honeymoon ang hinihingi mo para sa isang decision na maapektuhan ang buong tenure ng married life to government, kailangang pakasal muna siya. toink.
btw pwede bang kulitin ka pag nakita naming palpak ang mga decision o hihingi ka pa rin ng extension ng honeymoon.
sige na nga makapaghintay. (paypay, paypay)
Iyan na ba ang posisyon mo sa gobyerno, manuelbuencamino? Ang maging thought police? Haha. Winner ang mga argumento ni The Cat! Haha. Ano bang magaling sa mga Abad? Dumikit lang kay Noynoy, nagkaganyan na. Sabagay, hindi lahat ng dumidikit kay Noynoy, nagkakaposisyon. Tama ba, manuelbuencamino? O parating pa lang?
Cat,
Bigla bang naging hindi demokrasya ang pilipinas at bawal na magbigay ng opinion na hindi mo gusto?
Tulad ng payo ko, hinatayin gumawa ng mali bago mag meow-meow Toink!
Aba nandito pala si Teo ang pinuno ng creed police ng kaliwa. Alam mo tsip nagbigay lang ako ng opinion at payo. Syensya ka na lang kung di sangayon yun sa doktrina na relihiyon mo.
demokrasya dito kaya pwede magsalita at kumontra ang kahit na sino sa kahit na anong isyu. dito pwedeng bangayin ang articles of faith mo na walang peligro na padadaanin ang sinuman sa isang sesyon ng self-crtiticism at pag-amin ng heresy. Alam mo na kung ano ang tinutukoy ko komrad tsip.
Dun ka sa simbahan mo kung boses lang ng choir mo ang gusto mong madinig, pweh!
@ manuelbuencamino: Iniinom mo ba ang mga gamot mo? Parang hindi na naman. Nagpapantasya ka na naman!
Sino ang nagpapatigil sa iba na magsalita? Ikaw o ako? Nakikidayo ka na nga lang ng blog, ang bastos mo pa. Para kang hindi dating nagtrabaho sa foreign service sa panahon ni Cory. Haha. Sa foreigners mabait, sa Pinoy bastos?
Tsaka hindi ka naman marunong mag-argue. Puro ka patutsada. Huwag muna kayong tumuligsa! Gusto mong sumunod ang mundo sa gusto mo. Haha.
@ angela: Wala na itong si manuelbuencamino. Na-abnoy na kay Noynoy. Haha.
teo,
TY
@ The Cat: Pasensya ka na, ha. Nakikibisita lang din ako rito. May mga bastos talagang naghaharing uri ang bumibisita rito, hindi katulad ni Angela na lagi lang gracious. Huwag mo siyang pansinin.
Ganyan ang trabaho niya ngayon, isabotahe ang mga diskusyon tungkol sa aksyon ni Noynoy para tumigil na. Anti-democratic sa esensya.
Hindi mo alam kung bastos, hindi uminom ng gamot, o binayaran. O lahat ng nabanggit.
mb,
sino ba ang nag-uutos na tumameme muna ang mga tao. di ba ikaw.
bakit naman bubusalan mo ang bunganga ng mga tao kung gusto nilang sabihin ang opinion nila tungkol sa mga apoointees.
ayaw ba ninyong magkaroon ng feedback? hindi maganda yong wala kang naririnig na negative reaction sa kabilang bangir ng bakod.
i think instead of criticizing the critics at ipagwagaywayan ang kanilang credentials ( nakakahiya naman kay noynoy na para bang pinagwawagaywayan na sila ay mga matataas ang IQ sa kanilang amo ), the abads should have been more tactful in handling the issue. nasaan ang seminar para sa “perception management” goal ng admin?
mwhehehe
Cat,
ang pinapayuhan ko ay yung mga sumoporta kay aquino hindi yun mga ayaw sa kanya mula simula pa.
ang sinabi ko ay tumameme muna yung mga sumuporta sa kanya kasi hindi pa panahon ngumawngaw, nabasa mo naman yun at alam mo naman siguro ang kaibahan ng nagbibigay ng payo at opinion sa nagbibigay ng utos.
Teo,
Tsip, may demokrasya poh dito sa blog ni angela. tunay na demokrasya. walang nagdidikta ng partyline dito. hindi sinusunod dito yun tinatawag ninyong democratic centralism yun terminology na ginamit ni papa lenin bilang disguise sa kanyang dictatorial methods.
“Naghaharing uri” naks hindi ba standard terminology ng relihyon mo yan para sa mga lumalaban sa inyo? Sa mga ibang relihyon iba ang terminology na ginagamit. Sa taliban ang tawag nila diyan ay infidel at sa mga pari ang tawag nila ay demonyo. At ang mababait naman sa kanila tinatawag nilang santo at ang santo naman ninyo ay yun tinatawag ninyong maka-masa. Problema lang sa kulto mong nagpapanggap na maka-masa ay ang masa ay ayaw sa inyo. Matagal ka na sanang cardinal kung si joma ay ang nakupo sa palasyo, di ba? mukhang matatagalan pa bago kayo makakapag pogrom dito. buti na lang.
Tsip kanya-kanyang biblia sa mundong ito. hindi lang yun bibliang pinagtulungan isulat ni papa lenin at ni papa mao ang tamang landas.
Sa lahat ng tumutuligsa ng appointments ng mga Abads, agree ako sa inyo! May narinig ako sa mga taga Batanes na hindi daw dapat nanalo si Mrs. Abad sa Batanes. Kailangang-kailangan lang daw niyang manalo dahil daw nakakahiya kay NoyNoy kung ang mismong probinsiya ni Butch Abad ay talo ang Liberal Party. So ano ang ginawa ng mga Abads para manalo sa Batanes? Nakakaloka, nakakamangha ang mga pangyayari doon! Baon daw si Mrs. Abad lupa doon dahil hindi siya gusto doon. At isa pa, lubog na raw ang popularity ni Butch Abad doon. So pano siya nanalo, aside from the obvious vote-buying that the Abads always do during elections in Batanes, as I heard? Mrs. Abad said that she taught her children to be honest? Nakikita kaya nila yung honesty na yun sa kanya?
salamat, teo. talagang walang tatanggaping ibang opinyon yang buencamino na yan kundi yung sipsip na katulad ng kanya. buti na lang hindi lahat ng tao katulad nya mag-isip. pakelam ko ba kung ano ideyolohiya mo. may karapatan kang batikusin ang hindi tama, kahit binoto mo pa. yan ang dapat tumameme, yang mga sipsip at palahimod
@Pet Crisanto….. pasensiya pero mukhang mali yata info mo…. taga batanes ako at mukhang di tama information mo….