in gary granada’s place, magagalit din ako, at hindi lang sa gma kapuso foundation, kundi pati sa “composer” na “lumikha” ng piyesang inaprub. on both counts, the lyrics and the musical structure, gary deserves credit and compensation.
oo nga’t hindi si gary ang sumulat ng original lyrics. pero in-edit niya ito to fit the melody that he was hearing in his mind, which makes the edited version gary’s version.
oo nga rin at naiba ang melody at dating ng naaprub na version, pero medyo lang, kaunti lang ang pagkakaiba. korek si gary, obviously nakatungtong ito sa komposisyon niya. why else does it fit neatly precisely perfectly into gary’s minus-one? indeed the chance of another composer coming up, out of the blue, with the same melodic structure, bars and chords, as gary’s is one in many millions.
kung totoong hindi natipuhan ng gma kapuso ang komposisyon ni gary, okay lang, it happens. i’m sure gary was disappointed but i’m also sure that he didn’t feel it was a total waste of time — he could easily come up with his own lyrics, develop the study into a love song, maybe, or a tibak song. pero dahil ginamit na ng gma7 ang musical structure na iyon, papaano pa niya pakikinabangan? baka kung gamitin niya ay siya pa mismo ang mapagbintangangang pirata. hassle.
unethical ang ginawa ng gma kapuso foundation, which sits on the board of filscap that’s supposed to protect the rights of composers and lyricists. since binitawan nila si gary, dapat ay binitiwan din nila completely ang komposisyon ni gary. dapat ay original lyrics ang ibinigay sa bagong composer at hinayaan siyang lumikha ng sariling melodic structure without any influence from gary’s work.
unethical din ang ginawa ng bagong “composer”. inalam kaya niya kung kanino ang original music? okay lang sa kanya na pagsamantalahan at pakialaman ang komposisyon ng may komposisyon? member din kaya siya ng filscap? if yes, yes, yes, it doesn’t reflect well on his integrity as an artist, kung sino man siya.
tsk. tsk. tsk.
i am for gary granada on this one.
napaisip tuloy ako, hindi kaya nagtripid din ang kapuso foundation kung kaya mas pinili nitong piratahin si gary granada. sayang, ito kaya ang klase ng edukasyong gustong ihandog ng kapuso sa mga tao: ang mandaya.
mismo, julian, nakatipid sila, at the expense of gary granada, which is so unfair, unethical, unexpected of kapuso. bad example talaga. and bad vibes.
oo nga di dapat tularan yang mga kapuso..agree????
ratsky ;)di ko sila kapuso…