Category: kristel

suicide’s a bitch (updated)

UP manila and CHED are grasping at straws, hoping an investigation will reveal that it wasn’t just the tuition problem but a confluence of events — besides the poverty, there was an unfaithful boyfriend perhaps?  an uncaring or cruel parent?   a personality or mental disorder that suddenly manifested?  all of the above? — that drove kristel to suicide.

but even if she had had other problems, doubtless the overriding one was the tuition problem, which preoccupied and worried her no end over the last months of her life. and she and her parents did not lack for due diligence, checking out all options, writing the letters that had to be written, pleading begging meeting with admin people for help, trying to meet deadlines, dealing with red tape, while studying to get good grades.

it’s easy to say that she could should have settled for less, like PUP where it’s cheaper, or that she could have, while on leave-of-absence, gotten a job and made ipon to pay her loans and the next tuition.  it’s easy to say that she should have been strong and tough, rolled with the punches instead of throwing in the towel. easy to say she was wrong, she was sick, she was dysfunctional.

easy to say, because clearly you have no idea what it’s like to be poor, most likely you don’t really KNOW anyone who’s poor, and you just do not have the mind-heart to imagine the suffering and despair that being poor, having no money, having to go hungry is all about.  obviously, you are happy enough with the status quo, you are happy enough with this state of affairs in which you find yourself among the fortunate few, and you are in denial about the gross and long-running injustice that underpins your individual happiness, never mind that it has oppressed so many for so long.

yeah, it’s infinitely easier to condemn kristel than to condemn the political economic educational system that is at the root of our poverty.  yes, OUR poverty, because the poverty of the majority is the poverty of all.  ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan; lalo pang masakit kung halos buong katawan ang naghihirap.  and if you don’t feel the sakit, if you’re dedma, then you must be an extremely dead cell, like hair, or patay na kuko, and the least you can do is suffer our grief in dead silence.

*

read, too, ana marie pamintuan’s Despair, and rody vera’s facebook status that i’m privileged to share here.

Rodolfo Vera  May mga nagsasabi na marami daw factors kung bakit nagsu-suicide ang isang tao kung kaya’t hindi daw dapat ibintang sa sistema ang kamatayan ni Kristel. At saka hindi naman daw sinabi ng sistema na magpakamatay siya. Marami naman daw nagkagayon ang financial situation pero hindi naman nagpakamatay. Gusto kong isuka sa kanila ang mga katwirang iyan nang marinig ko si Christopher Tejada, ang tatay ni Kristel, kung paano niya nasaksihan ang dahan-dahang pagbulusok ng damdamin at kalagayan ni Kristel:

“Sa Sta Cruz kami noon, bumili ang anak ko ng kendi sa halagang 20 pesos. Ang sabi ko, ‘anak, bakit mo ginastos lahat iyan sa kendi?’ Ang sagot niya sa akin, ‘Tay, lunch ko na po ito.’ Ganoon siya ka pursigido para lang makapasok sa school… Kahit pa siya magutom, makapasok lang. UP ang naging buhay niya…”

Maaring maraming factor ang nagdudulot ng pagpapatiwakal ng isang tao. PERO hindi ibig sabihin na natawaran na ang pinsalang dinulot ng tiwaling sistema sa edukasyon sa isang tulad ni Kristel. Totoong maraming nananatiling buhay at nagtitimpi lamang, o tinitiis ang ganyang sistema. Nagpapasya ang iba na huwag na lang ito pansinin, huwag nang manggulo para sa pagbabago. Sa partikular na kontekstong ito hindi ko tuloy alam kung sino sa kanila ang mas matapang.

Oo, hindi sinabi ng sistema na magpakamatay tayo. Dahil walang pakialam ang sistema kung magpakamatay ka, o magutom ka, o mag-abroad ka, o manigas ka sa kinatatayuan mo ngayon. Ang importante lang sa sistema ay magbayad ka. Wala itong pakialam kung saan mo kukunin ang pambayad. At hindi magbabago ang sistema kung tiniis mo lang ito dahil kapag tiniis mo ito, magiging pruweba ka lang ng sistema na epektibo naman pala ito. Kaya natin tinutuligsa ang sistema ay dahil WALA ITONG PAKIALAM kung buhay o mamatay o magutom ang enrolee. Basta nagbayad siya. Yun ang bulgar, yun ang burgis. Yun ang walang puso. Nakakasulasok. Ito ang pinakanakakahiyang panahon para sa U.P. at sistemang edukasyon sa bayan ko.

*