Bumoto para ma-impeach nang tuluyan
[Dahil maraming humihingi ng Tagalog version}
Sa mga botante na nagtatanong, nag-iisip, kung sino-sino ba ang dapat ibotong Senador sa May 12, ang pinaka-kritikal na laban ay ang Impeachment ng VP.
Oo, maraming pang ibang isyu na importante rin, pero sa ngayon, wala nang hihigit pa sa Impeachment sapagkat ayaw nating makabalik ang dinastiyang Duterte — sa loob ng anim ng taon ni FPRRDay lalong nalugmok ang ating Inang Bayan sa hirap, takot, patayan, at utang. Ayaw nating makabalik sila para muling maghasik ng lagim.
MALINAW NA gagawin ni VP Sara ang lahat para di ma-impeach sa Senado.
Kapag nahatulan siya na nagkasala ng at least labing-anim (16) na senador (2/3 of 24) sa darating na Impeachment Trial, bawal na siyang tumakbo for ANY public office. Mabibigo ang balak niyang tumakbong pangulo sa 2028. Kaya naman todo ang kampanya niya para sa mga kandidatong tiyak na ipapa-walang-sala siya sa Impeachment Trial.
KAILANGAN ni VP SARA ng SIYAM (9) na KAKAMPING SENADOR
Sa ngayon, sigurado siya sa boto ng apat (4) na nasa Senado pa: Robin, Jinggoy, Allan Peter, at Mark Villar. Medyo sigurado na rin siya sa dalawa (2) ng PDP-Laban ni Digong na pasók sa Top 12 ng surveys: Bong Go at Bato de la Rosa. Kailangan pa niya ng tatlo (3) para maka-siyam.
Ito ang dahilan kung bakit ine-endorso rin ng VP sina Imee Marcos at Camille Villar, kahit pa kadugo’t kaalyado ng BBM Alyansa. At kung bakit ine-endorso ni Cong. Pulong Duterte sina Gringo Honasan at Ariel Querubin (utos daw ni Digong@ICC). Pag nakapasok iyang apat (4), may sampu (10) nang kakampi ang VP at pihadong mahahatulan siyang inosente kahit maysala.
At kung hindi man makapasok sa Magic 12 sina Honasan at Querubin, nandiyan naman sina Willie Revillame at Philip Salvador na akyat-panaog labas-pasok sa Top 12 ng mga survey. Baka inaasahan din ni Sara si Pia Cayetano na kabalikat ni Alan Peter.
Mas marami, mas mabuti para kay Sara. Kung makaka-13 nga siya, ibig sabihin, majority + one, makakayang palitan ang Senate President ng isang DDS. Yari tayo sa Impeachment Trial.
SA KABILANG BANDÁ
SA ATING BANDÁ
Kailangan natin ng sixteen (16) senators na magco-convict kay VP Sara batay sa mga ebidensiyang nasiwalat sa QuadComm hearings na napanood natin.
Sa ngayon, may maasahan na tayong apat (4) na nasa Senado pa: Chiz Escudero, Risa Hontiveros, Win Gatchalian, at Raffy Tulfo (?). Hindi tayo sigurado kina JV, Loren, Joel, at Migs — unless umamin sila bigla.
May maaasahan ding pito (7) ng BBM Alyansa na pasók sa top 12 ng SWS April survey — Erwin Tulfo, Lito Lapid, Tito Sotto, Bong Revilla, Abby Binay, Ping Lacson, at Manny Pacquiao.
Totoo, ayaw na sana natin sa mga tulad nilang mga lumang politiko o “trapo” (traditional politicians), lalo na yung mga artista’t dinastiya, na sa hinaba-haba ng panahon ay di nakapagpasá ng mga batas para sa malawakan at malalim na pagbabago ng isang marumi at maramot na sistemang pangkabuhayan.
Pero bilang mga kakampi ni BBM sa Alyansa slate, puwede silang asahan na magdesisyon sa Impeachment Trial batay sa ebidensiya, alang-alang na rin sa Inang Bayan.
Kung dati-rati ay iniismiran o binabale-wala natin ang mga survey — iba kasing mga kandidato ang gusto nating manalo, at sila ang ating ibinoboto, basta, kahit nangungulelat at pihadong matatalo — SA HALALANG ITO ay hinihingi sa atin na bumoto tayo ayon sa survey.
Oo, maniwala tayo sa survey. Noong May 2022 nga, nanalo ang labing-isa (11) sa labing-dalawa (12) na pasók sa Top 12 ng Pulse Asia April survey.
KAILANGAN ng SIXTEEN (16) VOTES para mahatulang maysala si VP Sara.
May apat (4) na nasa Senado pa, plus pito (7) na pasók sa Top 12, ay labing-isa (11). Kailangan natin ng lima (5) pa.
Pumili tayo doon sa mga may laban, yung di malayo sa Top 12, na maasahan natin sa Impeachment Trial. Tulad nina Bam Aquino (15th), Kiko Pangilinan (16th), at Benhur Abalos (18th). At konting kembot na lang sana, sina Heidi Mendoza (24th), France Castro (26th), Leody de Guzman (32nd), at Luke Espiritu (30th).
Parang ganito rin ang iniisip ni former VP Leni Robredo na ka-e-endorse kina Benhur at Manny Pacquiao, idinagdag kina Heidi, Bam, at Kiko. May pag-asa talaga.
LISTAHAN ng 14
Pumili ng 12
Benhur Abalos
Bam Aquino
Abby Binay
France Castro
Luke Espiritu
Leody de Guzman
Kiko Pangilinan
Ping Lacson
Lito Lapid
Heidi Mendoza
Manny Pacquiao
Bong Revilla
Tito Sotto
Erwin Tulfo
Kung ayaw mo sa artista, ilaglag sa listahan si Revilla (na kurakot din daw) at si Lapid. O kaya, dalawang dinastiya (si Revilla pa rin). Ang mahalaga ay maka-12, pandagdag sa apat (4) na incumbent Senators na kakampi na natin. para maka-16 Senators na maaasahang isasaalang-alang ang ebidensiya sa mga kasong kriminal na hinaharap ng VP.
Ipakalat ang listahan mo. Ipalaganap ang panawagang ito.
#VoteToImpeach #SaraMaysala