President Duterte will leave behind 40 finished flagship infrastructure projects worth P365.2 billion by the end of his term, such that his economic team wants the succeeding Marcos Jr. administration to prioritize infrastructure development, to be partly funded by another round of tax reforms, under the proposed fiscal consolidation and resource mobilization plan.
That’s from Inquirer‘s “Marcos urged to sustain infra devt., tax reforms“.
Ito ang sagot sa Facebook ng abogadong si Ruben Carranza na dating PCGG commissioner, now with the International Center for Transitional Justice (ICTJ), New York.
CARRANZA. … ang “tax reforms” ay pinagandang tawag lang sa pag-taas ng buwis at ang maniningil nito ay pamilyang ayaw magbayad ng buwis. Dapat lang magalit sa kabastusan ng sitwasyon na yan: nagnakaw na ng $10B, hindi nagbabayad ng P23B at ngayon sila pa ang pipiga ng dagdag na buwis sa 110M na Pilipino? [At tandaan na kasama sa magbabayad ng mataas na buwis na yan ang 31M, 14M at lahat ng milyon na hindi man lang botante].
MERON PA AKONG REKLAMO tungkol diyan sa mapaglinlang na “tax reforms.” Sino ba ang may gusto nito (at bakit “reform” ang tawag nila)? Ang may gusto nito ay ang mga dayuhang nagpapautang sa mga ‘developing country’ katulad ng Pilipinas at ang International Monetary Fund o IMF na mas concerned pa na mabayaran ang nagpapautang maski mamatay na sa gutom ang mga sinisingil ng mas mataas na buwis.
“Reform” lang yan para sa mga naninigurong mabayaran sila ng utang at wala silang paki-alam kung ang perang inutang ay ninakaw — ganyang pag-paparaya sa korupsiyon ang ginawa ng IMF (at World Bank) noong panahon ni Marcos Sr. Halimbawa, umabot na sa $18B ang utang ng Pilipinas noong 1981, pero si Marcos Sr, niregalohan pa si Imelda ng apat na building sa New York na ang isa lang ay $71M ang halaga!
FINALLY: ang ganitong style ng pagkakasulat ng mga balita tungkol sa taxes [at] ekonomiya — na para bang mga malalaking kapitalista at ekonomista lang ang magbabasa at maapektuhan ng balitang “tax reforms” — ang nakakapagpalalá ng fake news. Kung hindi mabasa o maintindihan ng ordinaryong botante ang balitang tax increase na disguised as “tax reform,” madaling maipasa ito ng mga gobyernong manloloko. Ang “business news” ay para din dapat sa manggagawa at dapat isulat sa paraang maiintidihan ng mas marami. At ito yung isa pang dahilan kung bakit madaling makapag-kalat ng kasinugalingan si Marcos at Duterte — ang ganitong news reporting tungkol sa ekonomiya na nakakatulong kay Marcos at Duterte para itago ang kanilang pagiging ipokrito sa mga salitang “tax reforms.” cc: [Sino ba ang “business news editor” ng Inquirer?]
Salamat kay Carranza for calling out business news editors and reporters na kung magsulat at magreport tungkol sa “tax reforms” ay walang bahid ng kritisismo–para bagang aprub na aprub sila, gayong pigang-piga na ang nakararaming taxpayers na hindi naman totoong nakikinabang. Time to level up, guys.