Public Forum 17 April 89.
TANONG: Doktora, papaano po ba makakaiwas sa AIDS?
DRA: Ang natatanging paraan ay sexual abstinence.
RANDY DAVID: Mahirap ho yata yon!
Aliw na aliw ako sa reaction ni Randy D. Tao rin pala siya! Pero sayang at hindi niya tinutukan. Oo, mahirap pigilin ang panggigigil. Lalo na for people who have active sex lives, mahirap ang mag-abstinensiya. Okey lang siguro kung Kuaresma, time for penitensiya. But forever? As a way of life? NO SEX? No way.
Actually, sey ng American literature on AIDS, hindi naman lahat ng sex ay bawal. Ang bawal lang (LANG daw, o) ay yung pagtatalik, kung saan nagkakasalinan (nagkaka-exchange) ng body fluids ang magkatalik, as in sexual intercourse, front or back. Balita ko, less ang panganib of transmission ng the AIDS virus sa halikan, unless sobrang deep at prolonged at may kagatan pa ang kissing. Sabi rin, kaysa kissing, mas may peligro ang oral sex o pagtanggap ng semen / tamod sa bibig.
Sa ibang salita, other sexual activities – tulad daw ng masturbation o pagbabati, solo or with a partner or group; tulad ng masahe, hard or soft, powder or lotion – are all right. Medyo limited nga lang ang options as of now, pero we are encouraged to be creative. Mag-imbento raw ng new ways of coming to a climax. Mag-fantasy. Mag-ilusyon.
DRA: O kaya, gumamit ng kondom ang lalaki tuwing magtatalik.
RANDY: Kailangang magbaon kami ng kondom?
Ha-ha. Hassle nga naman, ’no? Nakakasira ng diskarte.
Maliban dyan, ang bigat ng pahiwatig – na duda ka sa iyong katalik, o duda sa iyo ang iyong katalik. Also, among machos, hindi uso ang kondom. Ano sila, takot?
DRA: Filipino males are the queerest in the world. Mga takot sa asawa.
COUNSELLOR: Ang overseas workers na nakakapag-uwi ng AIDS virus, hindi umaamin. Sinasabi sa asawa na nagkasakit sila sa abroad, na-opera sila, at malamang ay noon sila nasalinan ng infected na dugo.
Interesante, di ba? Hahanap at hahanap ng palusot si Mister. Mahirap na nga naman. Masamang magalit si Misis.
Kaya, girls, ha, take note. Yang ating mga mister, more often than not and in more ways than one, mga baluktot ang dila. Kung masama ang kutob mo – maybe alam mong malapit sa bargirls at madalas ay inuumaga – YOU should take the initiative, protect yourself from sexually transmitted diseases, including AIDS. Ikaw ang humiling na gumamit siya ng kondom kapag kayo’y magtatalik. Kung siya ang hihintayin mong magkusa, malamang ay he won’t. Or, at least, not right away. Nag-iisip pa siya ng palusot.
MRS: O, wag ka nang magkondom. Safe ako.
MR: Ha? … Ah …. Safe ka?
MRS: Oo. Bakit, ikaw, hindi?
MR: Ako? Hindi? Safe? Safe!