juana change calls out edwin lacierda

via Harvey Keh

Dear Atty. Edwin,

Tumaya at nangampanya ako para kay P-Noy! Pero aaminin kong meron akong interes na gustong isulong sa pagvo-volunteer sa kanya-ang makakita ng tunay na pagbabago sa gobyernong papalit kay GMA na kinasuklaman ko ng over. ‘Di na dapat maulit!

Ngayon panalo na si P-noy at boksingan na para sa mga posisyon. Kaya nga ako tumaya para may karapatan akong magsalita at tungkuling magbantay! Kahit na anong galing at kahit gaano kakailangan ni P-Noy ang serbisyo ng mga pinakamalalapit na kaibigan, kaklase o pamilya, dapat sila na mismo ang magparaya para makapasok ang mga sariwang mukha ng pagbaBAGO! Bagong dugong may kaalaman, eksperyensya at integridad. Sa pag-ikot ko, nakasalamuha ko ang napakaraming Pilipinong marangal at handang maglingkod kaso ‘di mga makakapal ang mukhang makipagbrasuhan sa posisyon.

Sa interview sa akin ng GMA tungkol dito ay iniwasan kong magbigay ng mga pangalan. Pero nasa isip ko na nuon ang mga Abad, Montelibano, at Juico.

Imbes ay pinili kong magpangalan sa isang artikulo ni Joy Aceron sa Facebook kung saan binanggit ko ang pangalan ng mga Abad dahil sila ay derechong makakabasa ng comment ko. Hindi ako kailanman nagalit sa mga Abad! Sinabi ko doon na sana ‘di naman mga pamil­ya ang nasa gobyerno gaano pa man sila kagagaling at kakailangan. Pwede din silang tumanggi!

Nakupo! Pinutakti na ako ng pangungutya ng mga tao ni P-Noy sa Facebook sa pangunguna ni Spokesperson Edwin Lacierda. Bakit daw galit ako sa mga Abad? Gusto daw nyang marinig ang punto ko pero ang pinakamatinong maibibigay nyang comment sa akin ay naiinggit lang daw ako! Sinabi ng writer ng presidente na masahol pa daw ako sa mga trapong kinasusuklaman ko! At sabi naman ng taga new media na mahusay mag inggles na ako daw ay isang weasel. Pinagtanong ko pa ang ibig sabihin ng weasel dahil ang alam ko lang ay hayop yun! Tinatawag palang weasel ang taong tumitira ng patalikod!

Pinagtatanggol lang daw ni Lacierda ang kanyang kaibigan. Usapin ito ng mga prinsipyo para sa tunay na pagbabago! Hindi ito kampihan!

Dahil sa aking pagsasalita, nagalit ang mga tao ni P-Noy sa akin. Ito ba ang uri ng mga taong nakapaligid sa kanya? ‘Di makuha ang isyung pinag-uusapan? At nagkakampihan?

Kami sa Pinoy Power ang humingingmakipag-usap sa kanila kung saan si Lacierda ay tahasang tumanggi! ‘Di na daw kailangang makipag-kape! Ganun? Kasi volunteer lang ako? Kasi sila naman ang nasa pwesto? Kasi takot siyang humarap dahil nagkamali sya sa banat nya sa akin ng patalikod? Dahil ‘di sya dapat bumitaw ng ganung mapagparatang na salita dahil spokesperson sya ni P-Noy? Walang b____? Gusto kong malaman!

Sa proclamation nag-abot ang aming mga tingin. Inabot ko ang aking kamay sa kanya at sabi ko, “Edwin magkape tayo.” Pautal syang umoo sa akin.

Tagapagsalita ka ng pangulo ng Pilipinas. Ako nagpaparating ng sentimyento ng taumbayan. Bakit ka galit sa akin?

Ganunpaman, ang anumang gusot ay dapat na napag-uusapan. Kaya ko yun Edwin. Dapat kaya mo rin! Kaya mo ba? Usap tayo!

Para sa bayan at mamamayan,

Mae Paner aka Juana Change

Comments

  1. GabbyD

    “Bakit daw galit ako sa mga Abad? Gusto daw nyang marinig ang punto ko pero ang pinakamatinong maibibigay nyang comment sa akin ay naiinggit lang daw ako! Sinabi ng writer ng presidente na masahol pa daw ako sa mga trapong kinasusuklaman ko! ”

    thats pretty petty, if true. which abad said this?

  2. manuelbuencamino

    I don’t get it. Mae Paner is pissed because she didn’t get the attention she thought she deserved? Were she and Pinoy Power the only volunteers for PNoy?

  3. manuelbuencamino

    Got this in the mail and sharing it with you…

    Dear Juana Change,

    Isinulat mo – “Ngayon panalo na si P-noy at boksingan na para sa mga posisyon. Kaya nga ako tumaya para may karapatan akong magsalita at tungkuling magbantay! Kahit na anong galing at kahit gaano kakailangan ni P-Noy ang serbisyo ng mga pinakamalalapit na kaibigan, kaklase o pamilya, dapat sila na mismo ang magparaya para makapasok ang mga sariwang mukha ng pagbaBAGO! Bagong dugong may kaalaman, eksperyensya at integridad. Sa pag-ikot ko, nakasalamuha ko ang napakaraming Pilipinong marangal at handang maglingkod kaso ‘di mga makakapal ang mukhang makipagbrasuhan sa posisyon.”

    Ano yan, nag a-aply ka ba sa pwesto?

    Naniningil ka ba para sa serbisyong inialay mong boluntaryo? Akala ko ba sabi mo kakaiba ka?

    Nanggagalaiti ka ba kasi kulang ng appreciation yung pag volunteer mo sa kampanya?

    Ang isang volunteer hindi umaasa sa tenkyu at palaklak. “Doing the deed is reward enough,” yan ang kasabihan ng those who give freely.

    Ang mahalaga ay nag volunteer ka kasi naniwala ka na mabuti si Noynoy. Dapat makuntento ka na nanalo siya. Tama na yun. You can go back to your old life as an actress/comedian and do your thing for the country in your field of competence.

    Kung tawagin ka ni Noynoy para humimgi ng tulong eh di okay. Pero kung hindi ka tawagin, eh okay din yun. You have a life naman, diba?

    Ang role na ginampanan mo nung kampanya ay sapat na serbisyo na para sa bayan. Malaki ang naitulong mong mailukluk ang candidate for change. Nga pala candidate for change, hindi candidate for Juana Change.

    Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pilit mong isinisiksik ang sarili mo sa hanay ng mga adviser ni Noynoy. Bakit hindi ba siya makagagawa ng matino kung di siya nakasandal sa payo mo? Wala ka bang tiwala dun sa taong kinampanya mo sa madlang pipol?

    Dagdag mo – “Kami sa Pinoy Power ang huminging makipag-usap sa kanila kung saan si Lacierda ay tahasang tumanggi! ‘Di na daw kailangang makipag-kape! Ganun? Kasi volunteer lang ako? Kasi sila naman ang nasa pwesto? Kasi takot siyang humarap dahil nagkamali sya sa banat nya sa akin ng patalikod? Dahil ‘di sya dapat bumitaw ng ganung mapagparatang na salita dahil spokesperson sya ni P-Noy? Walang b____? Gusto kong malaman!”

    Galit ka pala kasi hindi ka pinapansin ng mga tao ni Noynoy. Pwede bang hindi ka mapansin? Eh yan ingay at laki mo hindi ka mapapansin? Ang sabihin mo ay hindi pinapakinggan at sinusunod ang gusto mo.

    Kung ayaw sa iyo ng mga ilan sa mga malapit kay Noynoy eh ganun talaga ang buhay.

    Hindi lahat na tao gusto ang lahat ng tao. Hindi lahat ng tao magaan ang loob sa lahat, paminsan-minsan may mga taong mabigat. Kaya hindi mo pwedeng pilitin yun taong nabibigatan sa iyo na makipagtungo sa iyo, di ba? Napanood na kita. Eh talaga namang mabigat kang buhatin.

    Ano ba ang gusto mong mangyari, makipagkape sa iyo si Edwin? Payo ko sa iyo, tubig na lang ang inumin mo. Wala pang calories yun.

    All the best,

    Loose Change

  4. buko nut & halo-halo

    @juanachange {:=) kool ka lang. uminom ka ng buko juice at baka saling bumaba ang bp mo. Tama si Loose Change, pasalamat nalang tayo at nanalo ang ating candidato sa Pagbabago. Bantayan mo lang na ipagpatuloy ni P.Noy ang ating ipinaglalaban. Di kailagan umakyat sa entablado at maki-rap-rap kay Noy-P. D ball is in his hand, kung mali ang dribol, mag-whistle blower na kalang at baka maka-score ka pa.

  5. Caloy

    Eh kung ganyan palang katulad nila Loose Change (for all we know eh imbento lang yan ni Manoy Buencamino) and mentalidad ng mga sumuporta kay Noy, eh di puro kaplastika’t kasinungalingan lang pala yung mga sinasabing Noynoy listens to the people blah blah blah. Pa-servant leader servant leader pa sila, eh kung ngayon pa lang binabakuran na ng mga buwaya si Noy, buwaya lang pala ang mapapakinggan ni Noynoy. Interes lang ng makakapal na ilan ang mabibigyan dinig.

    Yabang pang sabihing

    “Hindi lahat na tao gusto ang lahat ng tao. Hindi lahat ng tao magaan ang loob sa lahat, paminsan-minsan may mga taong mabigat. Kaya hindi mo pwedeng pilitin yun taong nabibigatan sa iyo na makipagtungo sa iyo, di ba? Napanood na kita. Eh talaga namang mabigat kang buhatin.”

    O ano, Juana Change, nakita mo na kung anong klaseng tao ang mga sinuportahan mo?

  6. coach

    nasapul mo manuelbuencamino…
    hoy, juana change KSP ka. Kung tutulung ka, huwag maghintay ng kapalit. Feeling mo importante ka, get a life.
    Caloy, hindi ako supporter ni Pnoy.

  7. Caloy

    Buencamino, aminin mo nang matapos niyo pakinabangan ang boto ng mga katulad ni Mae Paner, baliwala na sila at ang kanilang mga ipinaglalaban.

    Mae Paner is not Frank Drilon in drag. Frank Drilon in drag is Frank Drilon in drag. Fancy him?

    Coach, ano, akala mo importante ka rin para pakinggan ninuman? Hindi tayo importante kay Noy. Ang mahalaga lang kay Noynoy ay ang greatness na minana niya sa kanyang mga yumaong magulang.

    ‘Yang si Manoy Buencamino, wala yan. Kahit anong sipsip gawin niyan kay Noynoy sa pagba-blog ng kahibangan hanggang dada lang yan. Kung may naghihintay ng kapalit, dats da man!

    O ano, Juana Change, nakita mo na kung anong klaseng tao (?) ang mga sinuportahan mo?

  8. manuelbuencamino

    Hoy Caloy mahigit 15 million tayong bumoto at sumoporta kay Noynoy kaya patas-patas lang tayong lahat.

    Huwag na kayo ng syota mong si Mae magdemand pa ng special attention.

    Ano ang K ninyo na mangibabaw sa aming lahat na dapat unahin kayo sa pansin?

    Talo pa ninyong dalawa ang mga trapo, mga sugapa sa pansin!

  9. coach

    manuelb…
    sa halip na makipagbalitaktakan ka rito kay caloy. payuhan mo na lang si PNOY na matututo na dumating sa oras ng appointment. Late na naman siya sa Mass kanina. pero parang idol na siya ng mga government employees: start the day at 9:30 am, then day-off on daturdays and sundays. puro pa-eklat lang pala ang pronouncements niya.

  10. manuelbuencamino

    coach,

    kung ako tatanungin mo sasabihin ko na di dapat siya nagpunta sa Red Mass. Dapat ang presidente ng bayan ay secular at hindi nakikihalobilo sa kahit na anong relihyon.

    Pero dun sa pagka-late eh sabi nya may problema daw siya sa tiyan. Gusto mo bang dun pa siya sa Mass mag-tae?

  11. Caloy

    Buencamino, the lady volunteer could use some respect bilang kapwa voter din ni Noynoy. One person, one vote. Unless both your heads are counted I suggest you lay off the snide remarks on the lady.

    Pare i-respeto mo naman ang kababaihan, hindi yung ganyan mo na lang bastusin si Ms. Paner, at maski buong pagkatao niya binabastos mo dito. Sa kakaganyan mo (nag-iimbento ng “Loose Change character at email, gumagawa ng tsismis, nambabastos ng babae) nagiging questionable ang pagkalalaki mo, Manoy.

    What do you have against Ms. Paner’s advocacies? Machong macho ba pakiramdam mo kapag binabastos mo siya at hinaharang ang kung sino mang nagbabaka-sakaling mapag-tuunan ng pansin ni Noynoy bago IKAW ang mapansin?

    Ano problema mo? Gaano katagal ka na ba sumisipsip kay Noynoy sa mga blog mo? Anong kapalit ba hinihintay mo kay Noynoy para mabastos ka ng iba upang mauna ka? Aminin mo na Manoy, sa edad mong iyan, mapapel ka pa rin. Pa-importante pa rin, kahit apakan mo ang iba ayos lang.

    At least Ms. Paner fights for something. But you, Mr. Buencamino, you only fight girls. What is wrong with you pare?

    A man your age acting juvenile and crass towards a female volunteer is nakakahiya to say the least. Someday when some girl knocks you out, it will be a great day for women everywhere.

  12. manuelbuencamino

    Caloy,

    Mukhang napalayo ka na sa isyu. Ang binatikos ko ay yun attitude ni Mae na karapatan niyang bigyan sita ng special attention kasi volunteer siya. I don’t know her advocacies and I don’t care what they are. I apllauded the letter of Loose Change because it was right on target.

    Tulad ng sinabi ko sa iyo, isa lang si Mae sa milyon milyon na bumoto at nag volunteer para kay Noynoy. Ang karamihan sa mga bumoto at nag volunteer ay kuntento na sa pagkapanalo ni Noynoy. Hindi nila ipinagpipilitan ang sarili nila.

    Para sa akin kung tawagin ka para magserbisyo good. Kung humingi ng advise sa iyo good. Pero kung wala naman tawag eh wala sa lugar yung ngumawngaw, kahit volunteer ka pa nung kampanya.

    At si Mae eh madiin din naman magsalita, ang hilig pa niya magmura. Dun sa sulat niya kay Lacierda tinanong pa niya kung nay bayag yun tao. So sumangayon ako sa natanggap kong e-mail na madiin din ang dating kay Mae. Para sa akin, kung mambabato ka eh dapat kaya mo din tumanggap ng pambabato.

    Kaya yan pa-inaapi mong dating ngayon ay walang saysay. Tama si Loose Change, kasi bumagay lang yun kanyang lenguahe sa lenguahe ng sinulatan niya.

    And no I don’t pick on girls. I point out when I see something I don’t like. Pasensya na lang kung yun hindi ko nagustuhan ay nagkataon na nanggaling sa babae. Do you see the difference, attorney?

    The best way to defend your client is by attacking the points Loose Change raised. Your problem is with the points raised by Loose Change. Ako naman tiga-palakpak lang. Nagandahan ako dun sa mga tanong niya, bakit hindi mo sagutin yun mga points instead of raising irrelevant issues?

  13. Caloy

    Buencamino, bakit nag-iba ang tono mo’t naging tame kang bigla? Napahiya ka ba dahil kita ng buong readership ng site na ito kung paano kang mambastos ng babae?

    Pare, ikaw ang umiiba ng usapan. From making fun of her weight, to calling her Drilon in drag, to calling her masahol pa sa trapo, nag-imbento ka pa ng character na “Loose Change” na ikaw din naman yun (inventive AND creatively dishonest huh?) just to dish out your disdain for strong-willed women? Hindi ako nagtataka kung sinabi yan ni Ms. Paner, eh binastos siya ni Lacierda eh. Se edad mong iyan hindi mo pa rin alam how women scorned hit men where it hurts? O baka naman tinamaan ka kaya ganyan ka na lang mambira ng babae?

    How you treat women is disgraceful Mr. Buencamino.

    Sino ka para patahimikin ang assertiveness ng isang Pinay volunteer na gumagawa ng paraan upang marinig at mapakinggan ang kanyang mga ipinaglalaban? What gives you the right to lambaste someone fighting for a cause? (Who gives a **** if you don’t care what her causes are? Why should anybody care what YOU have to say, Buencamino? Blogger ka lang namang nag-iimbento ng mga character na nagngangalang “Loose Change”. You can’t even publish that email because there is none. Even if you tried to come up with one it’s too easy to fabricate one.)

    Kung hindi ka pinapansin ni Noynoy, hwag ka mangdamay ng iba. Nandiyan ang blog mo. Doon ka ngumawa, like you’ve been doing for years. Hwag kang bastos sa mga babae pare.

    I stick with the issues pare pero ikaw nambabastos pa’t nanunukso. Baka nga ikaw yung walang b kaya ka nagrereact dyan with matching imbentong email. Best way to defend yourself is man up, sister.

  14. manuelbuencamino

    Caloy,

    Ang pikon talo!!!

    Ako miron kaya may karapatan ako mangantsaw at manukso sa mga nagaaway.

    Eh sa kumampi ako kay Loose Change so syensya ka na lang. Meron din naman kumampi sa inyo ni Juana kaya maging happy ka na dun.

    Hindi mo pwedeng pilitin na ang lahat na tao ay kakampi sa inyong dalawa. Not everybody sides with you or likes you. Live with it!!!

    I loved the letter! Lalo na at nasapul ka kaya iniba mo na ang usapan at ginawa mo nang issue of picking on women.

    Alam mo naman na yun laman ng sinulat ni Juana ang tinitira ni Loose Change. Kung Caloy ang pangalan nung sumulat ganun pa din naman ang tira dun sa sulat. Kasi nga yun sulat ni Juana ang katawa-tawa. Kaya wag ka na umeck-eck dyan ng gender issues. Ang sulat ang isyu hindi titi at pekpek.

    Off topic: babae ka ba? Kc nakapagtataka kung paano mo alam how women scorned hit men where it hurts…O baka naman pari ka kaya mahilig ka magimpose ng moralidad mo sa ibang tao.

  15. Caloy

    Buencamino,

    E di umamin ka rin na gusto mo lang makisawsaw bilang miron. Nagkataong mababa tingin mo sa kababaihan so convenient sa iyong laitin si Ms. Paner. It’s okay for you to have a decent opinion, it’s not okay na mambastos ka’t manglait. You could have written a decent enough comment without your usual brand of malice. But nooo, you had to make fun of her weight, her appearance, her entirety as a person. You weren’t slamming her letter, you were slamming HER. That makes you a liar pare.

    Years of your pseudojournalism only comes to this: a fabricated email na we can change the name “Loose Change” with “Manuel C. Buencamino” and it will still be exactly the same letter. Dali, kampihan mo sarili mo, baka sakaling manalo ka sa sabunutan with other women. GABRIELA should put you on the blacklist, Manoy.

    What? Me, pikon? Bakit naman? Dahil html codes I used for text emphasis? Balat sibuyas mo naman. Lalo pa siguro kung babae ako.

    Exposing the truth about your demeaning treatment of women is not fun, but necessary and not personally upsetting. Your tabloid style distractions like going all crass about genitals in Tagalog don’t work. And your strawman argument shows I struck a nerve. I never said gusto kong kampihan kami ng lahat. Matuto kang magbasa, hindi lang magsulat ng mga bagay na walang katotohanan at puro kabastusan. Olats kasi kaya ipinipilit na tunay ang pekeng email.

    You pick on women, and the evidence is right here. People know the truth about you now. Live with it, Manoy! You can call it eck-eck, we call it PROVEN by evidence. There is a gender issue here and you crossed a line.

    On topic (finally inamin mo rin na ikaw ang umiiba sa usapan): Sinong babae ba ang umapi sa iyo kaya ganyan ka na lang manglait ng babae?

  16. manuelbuencamino

    caloy,

    Si Juana Change ay hindi lahat ng babae. Kung siya ay lalaitin siya ang linalait at hindi lahat ng babae. Gagawin mo pa kunwari lahat ng babae ang nalalait kasi si Juana ay nilait. What a cheap trick to get the sympathy of other women! Ano si Juana simbolo ng kababaihan? Akala mo siguro hindi ka halata. It’s cheap. It’s ka-eck-eckan.

    “You could have written a decent enough comment without your usual brand of malice. But nooo, you had to make fun of her weight, her appearance, her entirety as a person.”

    Pati ba naman ang style ng comment ko kailangan yun style na gusto mo?

    Tignan mo kung saan na tayo umabot. Eh yun sulat ni Loose Change hanggang ngayon hindi mo pa din hinaharap. Harapin mo na yun at i-debunk mo kaysa ngaw-ngaw ka ng ngaw-ngaw diyan.

  17. Still Caloy

    Manoy este Loose Change este Buencamino,

    The readers here are probably smart enough to see na if you can do that panlalait to one woman, you can do it to any other woman, to any number of women for that matter. Your overblown lack of respect for one, kahit “miron” lamang ang tingin mo sa sarili mo, ay sagad-sagaran. It’s no trick, Manoy. You can’t fool everyone by bending the truth all the time.

    And don’t whine about how I (apparently) tell you what style to use in writing because clearly all you need to do is be respectful to women and post a public apology right here if you’re man enough.

    Playing ignoramus doesn’t suit you well p’re. I’ve been tackling your schizophrenia-induced fake email since we started. The lady has got as much right to call attention to her cause as you have to call attention to your bull. Alin kaya sa dalawa ang worthwhile: The cause that motivated a voter to get Noynoy elected, or the character-attacking cheapshots of a “miron” who calls himself Manuel Buencamino? That is your name, right? Or is it “Loose Change” right now? (Check if you’re wearing a daster. If you are, you’re not Manuel right now. You’re Lucy. Loose for short.)

    Ha? Ano ka mo? Ngaw-ngaw? Hahaha! Run out of excuses again? Ano, magmumura ka na ba?

    Man up and apologize, Manoy.

  18. WhoElseButCaloy

    Manoy, I’ve been wearing boxers long before you decided to TRY briefs. And I’m half your age.

    Man up and apologize, NOW NA Buencamino.

    Angela, my apologies for having to wipe the floor with Mr. Buencamino here. I’ve already seen him reduced to talking gibberish (like above) and throwing swear words at people who disagree with him.

    By now we already know that Mr. Buencamino has no choice but to redirect the attention onto my underwear, simply because he really can’t reason his way out of the wrong he committed on this thread.

    So, anyway, thanks for accommodating my comments. Pardon my moderation workaround; thanks for removing the duplicate.

  19. manuelbuencamino

    Hay susmaryosep at nagsumbong na si caloy kay ate angela. Wawawa naman. Sorry na nga for getting your panties all knotted up. Sori beh sori talaga. Padalan kita ng t-back sa pasko. To show you how sorry I am.

  20. WhoElseButCaloy

    C’mon Manoy, “sumbong” tawag mo dyan? Did your fixation on my undies unleash your second childhood again? Why would I need to make sumbong when everyone can already see that you’re more than willing to make an @ss of yourself publicly?

    I guess it’s too much to ask of Manuel Buencamino to man up and come up with either a proper apology to Ms. Paner, or even just a half-witty retort on account of a massive lack of wit to begin with.

    Awww, stuck with teasing with panties, Manoy? Hahaha
    C’mon say it with me: panties, panties, panties, panties, panties. Hahaha
    Keep ’em coming, ladyboy Manoy. It is sooooo easy to make an example of you.

  21. manuelbuencamino

    Caloy,

    Loose Change’s letter said it all.

    Ang pikon talo.

    Have a nice life hopefully free of twisted undies and running to women for succor. Well, I take the last part back. Juana can provide you a lot of cover nga pala.

    Goodbye pikon little boy. Bye-bye.

  22. […] not be expecting any payback in terms of juicy positions in government.   so talaga, i am so with juana change a.k.a. mae paner on the abad appointments.   one is enough, two is too much, three is over, as in grabe naman, […]

Comment