last-minute blues

03 November 2009

there must be another way of handling the comelec registration process.   alam naman natin na may last-minute mentality ang pinoy.   comelec should have expected, and prepared for, the swarm instead of saying, kayo kasi…   lalo na’t merong concessions made to the rich and famous, like satellite ek-eks in kris aquino‘s case, and good old palakasan as in manuel buencamino‘s.   these, while masses of ordinary pinoys without connections had to line up for hours to register, if they were able to at all.    paano ka naman matutuwa sa ganyang palakad.

***

i can’t believe people are raving about the noynoy video hindi ka nag-iisa.   what’s so powerful about that torch-lit parade led by noynoy that went nowhere.   i’m like, they love this?   c’mon people, taas-taasan naman ang standards natin.   we already know na hindi siya nag-iisa.   tell us something new, let’s hear him talking platform.   hindi porke anak siya nina Ninoy at Cory ay okay na, siguradong he won’t lie, cheat, or steal.   that’s just too low a bar for a presidential candidate.   i need to hear how he’s going to address the problems of poverty, land reform, environment, education, foreign debt, chacha, atbp.   i will not take him, or anyone, on sheer faith.    i leave that to the pink sisters.

***

ayon kay senador nene pimentel tuloy tuloy ang pag-benta ng gma administration ng government assets, tipong ‘midnight sale,’    mostly to raise money pampuno sa napakalaking budget  ng 2009 or puwede ring pangkampanya sa 2010.    whatever, hindi lang pala ang food terminal inc. sa taguig at ang government shares in san miguel corp. at pnoc energy exploration corp. ang ibinebenta.  pati pala the sprawling properties ng national center for mental health at ng welfareville sa mandaluyong, gayon din ng national penitentiary sa muntinlupa city at ng home for the aged sa quezon city, “in complete disregard of their importance in providing vital social government services.”   ano ba yan.   ubos ubos biyaya.   and then what.   pag naubos, nakatunganga.   there must be a smarter way of handling our resources.    let’s demand that presidentiables be honest, yes, but also creative and wise.

5 Responses to last-minute blues

  1. November 3, 2009 at 6:32 pm
    manuelbuencamino

    Hindi palakasan ang tawag dun. Swerte ang tawag dun.

  2. November 4, 2009 at 6:25 am

    Looking at the last 5 presidents…Marcos, Cory, Ramos, Estrada and Arroyo. 44 years have passed since marcos took office and our country is still languishing in filth. We can’t even save our people trapped in the roof during the storm. It’s still currupt as ever. In the meantime, Singapore, South Korea, Thailand and Malaysia have improved vastly in their economy. While we’re too busy practicing patronage politics, other countries have taken off economically. We are poor not because we are stupid or lacking in natural resources. We are poor because of corruption.

    Now look at 5 candidates leading the survey. Villar, Erap, Gibo,Ciz and Noynoy. Villar is linked to C-5 anomalies. He has spent billions already and guess where he’s going to get the money back. Erap is convicted plunderer. Gibo is endorsed by current corrupt administration. Chiz’s dad and former boss are marcos cronies. Noynoy is…well it’s not rocket science. You figure it out.

  3. November 5, 2009 at 5:35 pm
    Die_hard NoyPi

    Its easy to analyse and propose policy prescriptions to solve our perrenial problem of addressing the various issues of corruption,poverty, land reform,population control, education,etc. ad nauseum… At the cross road of our political crises, we have the last chance of non-violent change of power in 2010 election by selecting on an idealogical plane the political party which can be supported by the majority to realize this utopian dream of good governance. And by process of elimination, I can only see on the horizon at this given point of history, the Liberal Party which can accommodate both the Right-conservative and the progressive leaders in our society. For me, Noynoy-mar represents the quintessence of servant-leadership worthy of support by the intelligent and simple minded electorate like me.

  4. November 9, 2009 at 11:59 am

    Ito ang nagpapatunay ng kababawan ng kandidatura ni Noynoy. Walang plataporma. Walang sinasabi maliban sa pagnakaw sa konsepto ng kanyang mga magulang. Di nag-iisa? Pano ang mga kawawang magsasaka ng Hacienda Luisita? Nag-iisa sila, Noy! Dadamayan mo ba sila?

    Gusto tayong lokohin sa pamamagitan ng mga artistang alam naman nating nakuha dahil sa impluwensiya ni Kris Aquino at Boy Abunda. Nakakahiya talaga. Yan ba ang gusto natin? Wag na tayo magpadala sa kasinungalingan ng isang malinaw na walang kakayahan! Tuloy ang laban para sa hustisya para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita!

  5. November 11, 2009 at 12:12 am
    Die_hard NoyPi

    to Luisita(:=( Di dapat ibato kay Sen.Nonynoy ang problema ng Hacienda Luuisita dahil hi naman po niya control ang majority or kabuang pag-mayaari ng LUPAING ito. Siya po ay kabahagi lang ng 1/16 share ng kanyang Inang Tita Cory at kung ibibilang pa ang ibang kakapitid at mga eredero na ang shares of stock niya ay iisa na lang at ang majority po ay ang familyang Danding. Dapat ibato rin po namas higit kay Gibo Teodoro dahil ang Tiyong Danding side ANG nagpapalakad or Management nitong Hacienda.

    WALA PO KAYONG MAIBATONG KABULOKTUTAN SA KANYA AT WALA DING PO KAYONG KARAPATANG MAGHASIK NG KASINOLINGAN DI AANKOP SA INTEGRITY AT KAKAYAHAN NI NONOY. NAKAKA AWA PO ANG BAYAN KUNG LAHAT NG MALING MPANANAW ANG MAG-HAHARI SA ATING LIPUNAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twitter

follow @stuartsantiago on twitter

recent comments

  • © Angela Stuart-Santiago