GUNIGUNI NI ISAGANI

19 June 2015

(Sa Ika-54 na Kaarawan ni Lolo Pepe)
Tom Agulto

Kagabi
Nakatulugan ko ang Noli at Fili
Naalimpungatan ako
Sa loob ng isang matandang panaginip
Sinisita ako ng idealista
At makatang si Isagani

“Hoy gising
Makatang pokpok
Hindi ikaw ang makatang
Filipinong pinangarap naming maging…
Mabuti na lamang
Bano kang magsulat”

Pakiramdam ko’y parang magnanakaw
Na napagsaraduhan sa loob ng libro

Nang makarinig ako ng mga kaluskos
Sumilip ako sa kabilang kuwarto
Hindi mga frayle ang nagtatangkang tumakas
Hindi rin mga talangka
Naaninaw ko sa dilim

Kilala ko ang aking mga kaibigan
Mga sikat at premyadong manunulat

Posted in jose rizal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

twitter

follow @stuartsantiago on twitter

recent comments

  • © Angela Stuart-Santiago